Chapter 39

26 1 0
                                    


"Biyernes santo ang mukha natin ah?" Napabaling ako kay Mike na kakaupo lang sa tabi ko. I smiled a bit and looked away.


"Antok lang," tipid na sagot ko.

Dalawang araw na matapos ang huling pag-uusap namin ni Gian. Hindi na siya nag message pagkatapos no'n at hindi parin kami nagkikita matapos ang dalawang araw. Mahirap man aminin pero I miss him already.

I sighed. Kahit namimiss ko na siya ay umaayos naman na ang pakiramdam ko. Mas nakafocus ako ngayon sa sarili ko. Making myself busy makes me think less of Gian.


Walang ineexpect na date.


Hindi naghihintay.


Hindi napepressure.


A life of a single woman. Pero hindi naman kami nag break.. cool off lang.


"Ganyan talaga pag wala ng jowa!" Si Mae. Inirapan ko siya at nagsusulat ng kung ano ano sa likod ng notebook ko.


"Totoo? Eh diba cool off lang sila? Gaga ka abangers ka ba para manungkit ng jowawers ng beshikels natin?" Hinampas ni Mae si Mike at sa lakas ng hampas niya ay napalingon ang mga kaklase namin sa'ming tatlo.


Dumaing sa sakit si Mike naparang mababali na ang brasong hinampas ni Mae. Mukha naman kasing masakit talaga.


"Tang inang 'to gagawin mo pa akong bantay salakay. May jowa ako!" Irap niya kay Mike.


"Oh? Ilan?"


"Ilan? Anong ilan?"


"Ilan ang may pake."


Nahampas nanaman ng maraming beses ang braso ni Mike. Halos umiyak na siya sa sakit dahil ang bigat ba naman ng kamay nitong si Mae at hindi lang limang hampas ang binigay sakanya.


I laughed while watching them mock each other's love life. Alam nila ang nangyari sa'min ni Gian dahil nagtanong sila nung nakaraan kung bakit hindi na kami nagkikita sa University. Umiyak pa nga si Mae no'n.


But everything seems to be fine for now. Abala si Gian sa mga gawain niya dahil graduating siya at abala din naman ako sa mga kaibigan ko at academics. I'm thankful that I had a breather for a while. A short break from worrying too much and time to strengthen my self confidence again.


"Ay gusto mo retohan kita mare! Anong course? Engineering? Law? Accountancy?" Si Mike.


Binatukan ni Mae si Mike ng malakas. Kawawa naman ang isang 'to.


"Cool off lang sila pero hindi sila nag break! Reto ka d'yan nang reto..."

I chuckled. "MedTech student padin ang gusto ko 'no!"


Siguro nga ata hindi na ako magkakagusto sa ibang tao gaya ng pagkagusto ko kay Gian. My feelings for him is so deep it can't be replaced by anyone anytime soon... Hindi nga ata kayang palitan ng kahit sino si Gian.

So Into YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora