Chapter 46

28 1 0
                                    



Naging abala ako sa paghahanap ng mga gagamitin para sa proposal ni Kuya Lance. Nasa mall ako ngayon at kasalukuyang nagtatanong kung saan ba may nabibiling charts, 'yung lagayan ng papeles ng pasyente sa ospital.



I finally came with an idea of a med themed proposal since Ate is a doctor. Tingin ko ay magugustuhan niya lalo na kapag med inspired.



Ilang shop na ang naikot ko pero wala talaga akong makita. Nadaanan ko pa ang jewelry shop kung saan ako nag eskandalo noong nakaraan at medyo nagsisi ako na dito ako nagpunta.



Feeling stressed about it I had no other choice but to contact Gian. I unblocked his number because in case I'll need his help madadalian akong i contact siya at kailangan ko nga ng tulong niya ngayon.



Ako:

Do you have extra charts? The ones you use for your patients.




Ako:

I need several pieces for the proposal. I'll explain it next time. Wala akong mahanap sa malls so i'll just borrow some from u.



Dahil inabutan na ako ng lunch time ay doon na din ako kumain sa mall. I bought myself lasagna while waiting for Gian's replies.



Dalawang araw na ata mula noong nagkausap na kami sakanila and ngayon nalang din ako lumabas sa kwarto ko. It's been two days since I started avoiding him again dahil sa mga pinagsasabi niya. The last thing I'd want to happen is to talk to him with that kind of topic again.



Gian:

I have. Ilan ang kailangan mo? Dadalhin ko sainyo.



Nanlaki ang mga mata ko. He can't bring the charts at home at baka kung ano pa ang isipin ng mga kasambahay kapag nagpunta siya.



Ako:

No need. I'll pick it up let's set a date and time. Kukunin ko lang naman.



Gian:

You need any help with it? I have time...


I scoffed. Trying hard ka lang magkatime kahit wala talaga. Narinig ko ay ate kaninang umaga na nag absent siya at nagpapalit sa shift niya noong nagpunta siya dito sa bahay.


Ako:

Later, will msg u.



Gian:

Lamig naman. Gusto mo yakap?


Naiiling kong isinilid ang cellphone sa bag ko at nag-abang na ng taxi para makapunta sa isang pharmacy.



Tirik na tirik pa ang araw nang umalis ako dahil madami akong dadaanan at bibilhin. Hindi ko nahanap lahat ng hinahanap ko sa mall at dahil pakiramdam ko'y naalala ako ng buong mamamayan na nag eskandalo doon ay hindi na rin ako nag-ikot ikot masyado.



When I finally bought everything I needed, I went home and sneaked in the things I've got. Kahit sa mga kasambahay ay ingat na ingat kong hindi ipinapakita ang mga dala dahil mas magandang nag-iingat kaysa nagpapabaya.




Sumalampak ako sa kama nang makapasok sa kwarto matapos itabi ang mga pinamili sa gilid ng study table. Nakakapangsisi lumabas dahil sobrang init!


Gian:

Where are you?



Trip nito?



So Into YouWhere stories live. Discover now