Chapter 35

27 0 0
                                    


Hindi nakarating sa mga magulang ko ang nangyari dahil ako na din mismo ang umayaw na ipaalam sakanila kahit kinukulit ako ni Gian na sabihin sakanila. Pero Gian is also stubborn that his parents knew about it and took action kaya naikulong ang lalaki.

"Magagalit po kasi si Mama at mag-aalala kapag nalaman po nila kaya ayaw ko na din sana sabihin..." I said to Tita.


"Naku don't worry we won't tell them, okay? Ang mahalaga nasa authorities na ang manyak na 'yon," naglapag si tita ng iced tea sa tapat ko.


Nandito ako kina Gian ngayon dahil pinapunta ako ng Mommy niya para daw ipatikim ang gawa niyang pastries, hindi ko alam at nagulat nalang din ako nang biglang may tumawag na unknown number sakin at si Tita pala 'yon. Si Gian ay wala naman ngayon dahil may inaasikaso siya sa university kaya kami lang ng Mommy niya ang narito ngayon.


"How does it taste? Masarap ba?" She asked habang nginunguya ko pa ang gawa niya.


"Opo, masarap po.. sakto lang ang tamis," puri ko sa brownies na ginawa ni Tita.


She clapped her hands feeling so proud of herself and quickly went inside the kitchen again. Pagkalabas niya ay may dala dala siyang tatlong medium sized box na kulay blue saka lumapit sakin uli.


"Iuwi mo 'yan sa bahay niyo and tell to your dad na magaling na ako magluto! Hindi niya na kamo ako maaasar pati ng Mom mo," tumatawa pa niyang sabi sakin.


Napailing nalang ako sa sinabi ni Tita at tinanggap ang binigay niya. Magsasalita pa sana ako kaso may biglang bumusina sa labas at nagulat pa tila may naalala si Tita nang marinig 'yon.


"Gian's car is here already? I thought bukas pa dadating..." she whispered.


Gian's car?


"Gian's car po? Akala ko wala siyang kotse, Tita?" I asked.


"Ah, yes wala talaga pero days after the incident he asked us to buy him a car. He didn't say kung bakit basta he needs one daw.." her phone started ringing kaya naman ay sumenyas siya na sasagutin niya muna at tumango nalang ako.


Gian doesn't like asking his parents for expensive things at nakakagulat na ganito ang hiningi niya.. I have a hunch kung bakit at sana naman ay hindi totoo na iyon ang rason kung bakit.


I decided to stay for a while para hintayin si Gian dahil malapit naman na daw itong umuwi sabi ni Tita kaya naman ay nagkwentuhan pa kami ng konti ng mommy niya bago siya makauwi.


"Ah Gian's here na, hija. Tara labasin natin..." aya niya while carrying a small box na naglalaman ng susi ng kotse ni Gian.


Nang makalabas kami sa gate ay sinalubong ni Tita ang anak na gulat pa sa kotseng itim na may ribbon sa harapan nito pero nang lingunin ako ay mas lalo atang nagulat dahil nandito pa ako.


I smiled awkwardly and glanced at his car. Nang makalapit si Gian sa akin ay agad niyang hinapit ang bewang ko at iginiya patungo sa nakaparadang sasakyan niya. His mom handed him the small box containing his car keys and left us with a smirk on her lips.

So Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang