Chapter 47

16 1 0
                                    


I fixed my facemask after wiping the sweat on my face and fixed my big hoodie while waiting for Jay to arrive. Maaga palang ay nagpunta na ako sa airport para sunduin siya dahil dito siya mag-i-istay ng isang buong linggo para sa mga mall shows niya.



Kaya pala busy at hindi natawag o nagtetext ay tinatapos niya daw ang lahat ng trabaho niya para makapunta agad rito ngayon. May extra na siyang mga araw na puro pahinga lang at walang trabaho dahil gusto niya raw makilala ang pamilya ko.



Chinecheck ko nang chinicheck ang phone ko dahil baka tumatawag na siya pero wala padin. Oras na ng arrival ng eroplano nila at kita ko sa screen na nagland na rin naman ito kaya naghintay nalang ako.



"Missed me, babe?" I flinched when a warm hand caressed my belly. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.



"Jay, nakakagulat ka!" Mariin na sambit ko para hindi marinig masyado ng tao ang boses ko.



Jay is wearing a big hoodie like mine pero hindi siya naka mask, naka shadee siyang itim at napatingin agad ako sa paligid dahil kahit nakashades lang siya ay makikilala siya agad dito.



"Mag mask ka nga. Baka makilala ka dito..." Saway ko sakanya.



A boyish smirk lingered on his face and he pulled me closer to his body. Naramdaman ko nalang ang bahagyang paghalik niya sa tuktok ng ulo kong natatakpan ng hoodie kaya namula ang mga pisngi ko.



"Naghihintay na sundo sa labas. Kain muna tayo then we'll catch up a bit, sounds good, babe?" Aniya. I gave him a nod and encircled my hand on his arm.



Nang makalabas ay nakita ko ang P.A ni Jay. Malawak itong ngumiti sa akin dahil matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Kapag may ipinabibigay si Jay ay minsan siya ang nagdadala sa'kin.



We arrived at a five star hotel at agad siyang sinalubong ng manager ata dahil iba ang suot nito kumpara sa iba. Jay wrapped his arms around my shoulder and pulled me closer to him while we were on our way to his hotel suite.



Iba ang mga celebrities, bigatin ang pag accomodate sakanila.



"Ang init..." Reklamo ko nang matanggal ang hoodie. Jay chuckled and threw a small towel on my face.



"Nag hoodie ka pa kasi," aniya.



I wiped my sweat using the towel and glanced at Jay who just came out from the bathroom.



"Makikilala ako baka mamaya sabihin sinisira ko loveteam niyo..." I joked.



"Tss. Everyone knows I like someone na hindi celebrity. I made it clear before courting you, right?"



Naiiling kong inilapag ang tuwalya sa kama niya. He did confirmed that he likes someone, a girl who's not involved in showbiz. Wala siyang sinabing pangalan pero sinabi niyang may iba siyang gusto kaya naman agad 'yung kumalat at nag trending pa kung sino ang misteryosong babae na ako.


So Into YouWhere stories live. Discover now