Chapter 27

34 2 0
                                    


Today has been a busy day. Bago magbagong taon ay naging abala kami nina Mama sa pamimigay ng invitations para sa debut ko na malapit nang ganapin. Hanggang ngayon ay may finafinalize pa na details sina Mama at Ate dahil two days from now ay debut ko na.


Nakapagpasukat na din ako last week ng gown at tapos na sa motif a month ago. Bakasyon pa din ngayon at sa linggo ang party. Nakauwi na sina Lolo at Lola galing california kasama ang mga pinsan ko. Sa ancestral house sila nagsstay ngayon.


Sabi ko kay Mama at Papa ay huwag na ako pagparty-hin pero mapilit talaga sila. Gusto daw nila maexperience ko ang gano'n na party dahil simple lang naman ang handaan ko kapag birthday ko. Hindi na rin naman ako umangal dahil gusto ni Mama at Papa at mukhang excited pa nga sila.


"Lexi! Lika dito!" Tawag sakin ni Kuya mula sa court sa likod ng bahay. Naglalaro nanaman sila nina Kuya Lance at Gian ngayon.

Kakababa ko lang at kakain na sana ako ng almusal pero sinilip ko muna sila. Lumapit naman ako sa tatlong pawisan na mga lalaki para malaman kung ano bang gusto ng mga 'to.


"Bakit, kuya?"


"Kuha mo kami tubig," utos ni Kuya sa'kin. Napanguso naman ako at napatingin kay Gian na nakamasid sa'kin.


"Ako nalang." Presinta ni Gian. Nagkatinginan si Kuya Lance at napangisi ng malapad.


"Naku! Nauutusan naman 'yan, Gian. Huwag mo sagarin masyado panliligaw mo!" Tukso ni Kuya si Gian.


I glared at Kuya kaya napatikhim naman siya. Si kuya Lance naman ay nagpipigil ng tawa. Iniwan ko sila doon at nagtungo sa kusina para kuhanan sila ng tubig na maiinom. Nang ilabas ko ang pits ay agad na inagaw 'yon ni Gian sa'kin, sumunod pala siya.


Naglabas ako ng tray at tatlong cups saka iyon inilagay sa tray at binuhat nang biglang agawin ni Gian at ibalik sa kitchen counter.


"Ibibigay ko na 'yan..." sulyap ko sa tray na inilayo niya.


"Mamaya na."


"Hala sige ka, mauuhaw sina Kuya do'n." Bahagya pang sumilip sa labas at ibinalik din ang tingin sa'kin.


"Nah. Swallow their salivas instead." He smirked. Loko loko na din talaga ang isang 'to.

Pinalo ko ang braso niya at inabot ang tray. Ang aga aga ba naman kasi magsipaglaro eh mag-aalmusal palang ako.


Narinig ko pa ang mahinang tawa ni Gian habang dala ko ang tray papalabas. Nakabuntot siya sa'kin at pakiramdam ko ay may ngisi sa labi.


Pagkalapag ko sa isang bench sa may gilid ng mini court ay naupo rin doon si Gian at nagsalin ng tubig sa cup saka ininom 'yon. Si kuya at kuya Lance ay abala sa paglalaro.


"Nag breakfast ka na?" Tanong ni Gian


"Hindi pa. Magbebreakfast palang."


"Sabay na tayo? I really waited for you to wake up."


I blinked. Medyo late na ako nagising para sa oras ng almusal he must be hungry now dahil it's past breakfast time na.


Nagtungo na kami sabay sa dining. Bitbit ko ang maliit na blue towel niya dahil basa siya ng pawis. We sat down at magkatabi kami. Habang naglalagay siya ng pagkain sa plato namin ay pinupunasan ko ang pawis sa mukha niya.


He's smiling widely as I wipe his sweat.

"Hindi ka ba marunong magpunas? Iniwan mo pa ang towel mo kanina..." saway ko.


So Into YouWhere stories live. Discover now