Chapter 16

47 2 0
                                    

We tried different games sa arcade. I can see how Gian is enjoying every minute of it at hindi ko magawang sumingit sa kasiyahan niya. I'm just teaching him how to use the other machines and i'll just quietly watch and admire him lowkey enjoying.


Pansin kong hindi pa siya masyadong nakaka experience mag arcade. First time niya nga raw ito. Inalis ko muna sa isip ko ang damdaming nararamdaman at hahayaang maging purong kaibigan lang muna ako ngayong araw. Just enjoy the rest of the day, Lex. Huwag muna magpapansin kay crush para ma crush back ka. Enjoy.



"How does this work?" Tanong ni Gian. Nasa harapan kami ngayon ng isang malaking machine na magda-drop ng bola at kung saang bilog na may numero 'yon magshu-shoot ay ganon kadama ang ticket na makukuha mo.


"Push mo lang 'yung button tapos may malalaglag na bola pababa d'yan sa mga butas. Kung saang number 'yon mag-shoot, ganon kadami ang lalabas na tickets," paliwanag ko. He nodded and inserted a token and pressed the color blue button.



We watched the green ball fall from the plastic tube inside. It landed on the hole with number thirty on it. Thirty tickets ang lalabas, swerte siya for a beginner ah? Ako nung nilaro ko 'to nung una puro hindi nataas sa ten ang pinaglalapagan ng bola. Pati ba naman sa laro may pinapaboran ang langit?



"Oh? Ayaw mo na?" Tanong ko nang matapos niyang kunin ang ticket sa pinaglabasan 'nun.




"Yeah," sagot niya at iniabot sa batang nanonood ang nakuhang ticket. Gulat ang bata sa ginawa ni Gian.



"Sa'yo na 'yan," sabi niya, "Pati ito..." iniabot niya ang mga ticket sa pinaglaruan namin kanina. Ngumiti ng malapad ang batang babae na tila hirap hawakan lahat 'yon dahil sa maliit na kamay niya.



"Salamat kuya pogi!" Ani nito at tumakbo na papunta sa magulang niya ata.



Kahit na makikitaan mo ng kasupladuhan ang isang 'to ay sobrang buti talaga niya. We shouldn't judge a book by it's cover, but in its content. We shouldn't judge a person by how he/ she looks like because what truly matters is what's inside.



Mas lalo lang akong napapahanga kay Gian. Tuwing magkakasama kami ay pakiramdam ko na mas nakikilala ko siya at mas nalalim ang samahan naming dalawa. Sana nga ay magtuloy tuloy na ito.



"Wow," i blinked.



"What? I don't need it anyway kaya sa bata nalang... do you want it? Dapat sinabi mo," aniya.


"H-Hindi 'no!" Sagot ko. Napatingin ako sa orasan at halos makakadalawang oras na pala kaming naglalaro dito?


"Mag-a-alas tres na pala? Ang bilis ng oras..." sabi ko. Napatingin si Gian sa wristwatch niya at nag-angat ulit ng tingin sa'kin.


"Let's find them, it's already three."



Nang mahanap namin si Sean at Vanessa na nasa barilan ay tinapos lang nila ang laro bago kami umalis 'don. Hindi ko na alam kung saan pa kami pupunta pero palabas na kami ng mall ngayon. Tahimik lang akong naglalakad habang katabi si Gian. Ang walangyang pintig ng puso'y ayaw kumalma.



Mahangin na sa labas at makulimlim na din dahil hapon na. Dumami ang mga tao na nadating at nang palagpas na kami sa fountain ay nakita ko ang babaeng nakapantalon at tshirt, may nakasabit na gitara sakanya at may microphone stand rin na siyang nakatapat sa kanyang bibig. Kakanta siguro siya. Napansin ko ang maliit na kahon na may lamang ilang barya at papel.



"Lexi, san ka?" Tanong ni Vanessa nang tumigil ako para kumuha ng pera sa wallet.



"Saglit lang," paalam ko at lumapit sa babaeng nags-strum na ng gitara niya. Inihulog ko sa kahon ang isang daang piso at ngumiti sakanya.



So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon