Chapter 3

69 4 7
                                    

Lord, Baka naman po mapakinggan niyo yung dasal ko? Alam ko pong medyo masama pero hindi rin naman maganda na bata palang si Gian may Girlfriend na siya...Sana po magbreak na sila, Amen.



Hanggang sa pag-uwi ko ay lumong lumo ako. Pakiramdam ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa nalaman ko. Pagkabalik nga namin sa klase kanina ay napagalitan nanaman ako dahil sa pagiging tulala sa klase.



Hindi ko inaakala na kung anong ikinasaya ko sa pagpasok ay ganun din ang ikalulungkot ko pag-uwi.

 

Gumawa ako ng iilang assignments para naman mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay pero grabe talaga ang epekto sakin ni Gian dahil sa kada letrang naisusulat ko ay siya ang napasok sa isip ko! Lalo na kapag letter 'G' ang naisususlat ko, tsk!

 

Hindi ko makalimutan din ang lambing ng tawag sakanya nung magandang babae. Babe. Babe. Babe. Babe. Grabe ang corny ng tawagan nila.



Pero nasasaktan padin ako.



Sumandal ako sa upuan ko at napasabunot sa sariling buhok dahil masyado nang nakasiksik si Gian sa utak ko at wala nang espasyo para sa ibang bagay.


Lumipas ang ilang oras at hindi ko natapos lahat ng gagawin ko dapat. Sobrang naglilipad ang utak ko at parang dinudurog ang puso ko. Nang dumating ang gabi ay tinawag na ako ni Kuya Maccoy dahil kakain na daw.


Walang gana akong bumaba sa dining room at malamyang umupo. Pakonti konting subo at sunod sunod na malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Ramdam ko ang titig nilang lahat sakin na nagtataka dahil ang lamya ko, masigla naman kasi ako lagi.


"Ayos ka lang ba anak?" Ibinaba ni mama ang kubyertos niya at tumingin sakin.


"Oo nga, ayos ka lang? Kanina ka pa walang sigla d'yan eh.." si Ate Kass.


"May nang-away ba sayo? Sino? Susuntukin ko," mapanghamon na sabi ni Kuya Maccoy


"Maccoy.." saway ni Papa


Huminga ako ng malalim at tumitig sa plato ko na hindi ko pa nakakalahati ang laman.



"Wala po, Pagod lang po.."


"Ganun ba? Sige na ubusin mo na 'yan tas magpahinga ka na sa kwarto mo.." tumango lang ako sa sinabi ni Papa.



"Sabihin mo lang kung may ibang nararamdaman ka ah..." si Mama



Naubo naman si Kuya Maccoy at sumimsim naman si Ate Kass at binigyan ng makahulugang tingin si Kuya. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko at nang matapos ako ay umakyat agad ako sa kwarto at naglinis ng katawan saka natulog.



Pagkagising ko kinabukasan ay ganun padin ang pakiramdam ko. Naligo't nagbihis ako at bumaba para kumain. Minadali ko ang pagkain ko para maabutan ko si Gian sa abangan ng jeep.

So Into YouWhere stories live. Discover now