Chapter 17

53 3 0
                                    

Talagang nagpaganda ako ngayong araw. May kulay pink ako na turban na suot at naka-hikaw ako. Oo na, alam kong mag-aaral lang kami mamaya pero gusto ko kasi ay maganda ako mamaya. Extra maganda kumbaga.



Nakaharap ako sa salamin ngayon at naglagay ng lip balm. Mas naging makintab ang aking labi at nagmukhang mas malambot. Maaga akong natulog kagabi para gumising ng maaga't mag-ayos. Bago ako lumabas ng kwarto ay nag-spray muna ako ng pabango sa katawan. Magkakasabay kami kaya kailangan ay mabango ako! Well, lagi naman akong mabango pero kailangan extra mabango ako ngayong araw.



Sa tagal siguro ng panahon na naging crush ko si Gian ay ilang beses na akong bumuntot sakanya papasok at pauwi. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako napapansin ng isang 'to eh magkapit bahay lang naman kami. Sabagay nagtatago nga pala ako kapag mapapaharap siya sa gawi ko lagi. Siguro hindi ko na mabibilang sa mga daliri ko sa kamay at paa ang araw na nakasunod lang ako sakanya pauwi. Kahit yata pagsama samahin mo ang daliri ng mga kaibigan ko ay hindi kakasya 'yon.




Ang kakaibang pakiramdam sa loob ko ay unti unti ko nang napapangalanan, hindi ako sigurado pero mukhang delikado. Noong naging magkaibigan kami ay nabawasan ang pagkasuplado niya... ng konti, at mas kinakausap niya na ako kaysa dati na hanggang malalamig na tingin lang. He's starting to come out of his shell just like a turtle. Hindi ko alam kung anong mayroon siya pero sigurado akong kasalanan niya ang kung ano mang nararamdaman ko sa kaloob looban ko ngayon. Countless butterflies was always here in my stomach. And i know that this is not just a simple...



"Goodmorning!" Bati ko kay Gian nang maabutan siyang lumabas sa gate nila. He looks so fresh in the morning, kahit hindi morning mukha din siyang fresh. Edi siya na ang fresh.



"Morning," aniya.




As usual napakabango padin niya. Kahit ata ang pawis ng isang 'to ay mabango, kapag ako ang papawisan amoy araw? Minsan kakwestiyon kwestiyon talaga ang pagkakalikha sa iba eh... parang mas pinaglaanan sila ng oras, charot.



Natahimik na kaming pareho pero gusto kong marinig ang boses niya kaya humanap ako ng dahilan para magsalita siya. Napansin kong may dala siyang laptop ngayon. Ang itim na bag ay nakasukbit sa balikat niya. Mukha talaga siyang masipag na studyante, gwapo na masipag pa. Saan ka pa ba? Kay Gian na...




"Bakit may dala kang laptop?" Tanong ko.



"We're doing a report later. I got in charge of the powerpoint," kaswal na sagot niya.



"Ah, so sipag naman po pala." I praised him instead.




Wala na akong masabi kaya tumingin nalang ako sa baba... Ano 'to? Sahig?



"Well, kailangan masipag ka kung gusto mong pumasa. Senior year is a lot more difficult than junior year,"



Napatango tango lang ako, "Ahh oo nga daw, sabi nga ng karamihan..." sagot ko.



"What strand are you planning to take?"



Napaisip ako bigla, ano bang gusto ko? Maliban kay Gian ay hindi ko na alam ang gusto kong strand sa senior year. Hindi ko kasi napag-iisipan at wala akong ideya kung anong mas magandang strand. STEM nalang din kaya? Para parehas kami, matuturuan niya pa ako... abusado din e.



"STEM nalang din siguro?"



Napatingin siya sakin. Nakakunot ang noo niya na para bang nagtataka sa sagot ko.



"You like journalism but you'll take STEM? Why?"



Alam niya? Parang tumalon ang puso ko nang malaman niya ang hilig ko. I'm really into journalism and writing, nabanggit ko nga na may ilang contest akong nasalihan na rin at isa sa mga school na napuntahan ko ay 'yung kina Jay.



So Into YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang