PROLOGUE

212 8 13
                                    

Nasa opisina ako ng head namin ngayon na si Boss Orate. Kasalukuyan niya akong pinipilit na magleave ng ilang buwan at hindi ko siya magets kung bakit g na g siya!

"5 MONTHS?!" di makapaniwalang sigaw ko

"Kitang kita ko sa mga scoops and docufilms mo na walang puso! Your loosing the wow factor Cesca! You seriously need a break..." Seryosong sabi nito

Loosing the wow factor?! Walang puso?! Break?! 5 months?! Seryoso pa ba 'tong panot na 'to?!

Ilang taon na akong laging top sa broadcasting company na to dahil sa mga award winning docufilms ko at FRESH NA FRESH na scoops sa mga balitang sinusulat ko tas sasabihin niya wala na akong wow factor?!

Ilang taon akong nagtrain tas halos hindi na mabilang na awards ang natanggap ko tas sasabihan na walang puso ang gawa ko?! Tangina this!

"Seryoso ho ba kayo?! Eh naiyak nga ako sa gawa ko! Yung mga kasama ko hagulgol ng hagulgol hanggang natapos yung gawa ko tapos ganito?!" Napahilamos ako

"Wala nga kasing puso Cesca!" Pilit niya

"Tanginang puso yan! Puso! Puso! Puso! Wala pang puso 'yon sainyo na pati ata sipon niyo tulong tulo na?! Sorry sir ah nakakainis kasi! Personalan ho ba tayo dito?!" Hinampas niya ang lamesa niya at ako ang napangiwi sa gawa niya

"Alam kong minanipula mo yung storya Cesca..."

Napatigil ako at namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Alam ko ang mga gawa mo Dominguez, At alam kong hindi ito ang unang beses na nagmanipula ka para lang maging ganoon kabigat ang istorya!" Sigaw niya "..Alam mong hindi dapat ganoon diba?! Kung ano ang storya nila, Ganon ang ibibigay! Ano bang nangyayari sayo? Nasaan na ang ningning ng mga lintek na mata na 'yan kapag nagawa ng mga balita at documentaries?"

Tumungo ako at ikinuyom ko ang mga kamay ko habang kagat ang labi ko.

"May nawawala sa mga mata mo na hindi mo madala sa mga gawa mo. Hindi ikaw 'yan kaya bibigyan kita ng limang buwan para magleave at mag refresh. Kung ayaw mo naman ay sisisantehin nalang kita," umangat ang ulo ko bigla

"Hindi naman pwede 'yan Boss!" Angal ko

"Kaya nga mag leave ka! Kung habang nasa kalagitnaan ka ng pahinga mo at naibalik mo yang nawawala sayo ay bumalik ka dito sa station."

Hindi na ako nagsalita at lumabas sa opisina niya at nagtungo sa opisina ko. Apat kami sa opisinang yon dahil tatlo kaming tandem lagi sa gawaan. Ipinatong ko sa lamesa ko ang box galing sa baba at inilagay ang ilang gamit ko don. Pinagtingian naman ako ng mga kasama ko habang nakabusangot na nagliligpit.

"Nag resign ka?! Tangina mo iiwan mo kami?!" OA na sabi ni Mike o Mikay, beki kasi 'to.

"Tanga! 'Di yan magreresign noh super love niya yang trabaho niya e wala na ngang balak mag jowa 'yang babaeng 'yan!" Sabat naman ni Erica

Pumasok naman si Alec at kumunot ang noo niya habang pinapanood akong mag ayos ng gamit.

"Ah alam ko na...Nahuli ka ni Bossing 'no?" Inirapan ko siya at napa tango tango siya dahil tama ang hula niya.

"Yan! Yare ka tuloy. Goodbye Ces!" Pang aasar niya

"Teka ano ba talagang nangyari at bakit nagiimpake ka bakla?" Mike

"Leave ako 5 months. Utos ni Boss panot, Kabadtrip diba?!" Isinarado ko ang box at kinuha ang tumbler na nasa tabi ng computer saka uminom don.


So Into YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora