Chapter 11

42 2 0
                                    


"Dito!" Hatak sakin ni Jay papalapit sa isang maliit na pares-an. Hindi naman 'to malayo sa village at ilang hakbang lang.

Lagi ko ring nadadaanan 'to pero hindi ko pa nasusubukan. Bagong bukas lang kasi ang isang 'to. Nakain pala siya sa ganitong lugar? Mukha siyang rich kid at parang ginto ang inihahain sa hapag nila.


Sabagay may mga mayayamang mas gusto ng simpleng bagay.


Ako nga simple lang ng gusto ko hindi pa ako gusto.


"Libre mo?" Taas kilay na tanong ko.


"Oo naman. Ako nag-aya 'di ba?" He chuckled.


"Sabi mo kasi bayad ko sayo 'to eh," ngusong sagot ko.


Napaawang ang labi niya at naging ngiti rin. Bayad ko raw 'to sakanya pero siya ang magbabayad? Bahala na basta gutom na ako at walang oras makipagtalo ang mga halimaw sa lintik na t'yan na 'to.


"Ang ibig kong sabihin... Bayad mo sa'kin ang presensya mo, Ganon 'yon." Sagot nito.


Napatango ako, "Ahh 'yun pala."


"Gutom lang 'yan, Order na tayo."


Namili na kami ng upuan. Naupo kami sa may tabi ng daanan. Mataas ang lamesa kaya naman naka stool kaming dalawa at magkaharap. Ang ilaw sa tindahan na 'to ay pula. Litaw na litaw ang kulay dahil gabi, kung wala lang malaking karatula sa labas ay baka inisip kong hunted house 'to.


May lumapit samin na lalaking may hawak ng maliit na notebook at ballpen. Siya ata ang kukuha ng order naming dalawa.


"Dalawang beef pares, dalawang extra rice tapos softdrink na din dalawa..." sabi ni Jay sa lalaki. Bumaling siya sakin. "May gusto ka pa?" Tanong niya.


"Wala okay na ako sa in-order mo," sagot ko. Tumango lang siya sa lalaki at umalis na 'yon. Nakita niya ang nilapag kong paperbag na naglalaman ng tubig at gatorade. Hindi na 'yon malamig at itatapon ko na dapat kaso sayang.


"Ano 'yan?" Nguso niya sa paperbag na nasa lamesa.


"Ah eto? Tubig tas gatorade," sagot ko.


"Nainom ka?" Tanong niya.


"Ay hindi. Trip ko lang, gusto mo sayo nalang? Hindi ko gusto 'yung itsura eh..."


Wala namang iinom niyan. Wala yung pinagbigyan ko at hindi niya kinuha. Gusto ko sanang isipin na nakalimutan niya lang dalhin pero ang laki ng lalagyanan para hindi naman niya mapansin.


Nakalimutan lang ba talaga o hindi talaga kinuha? May pagkakaiba kasi sa dalawang bagay na 'yon. Ayos lang hindi naman nabawasan ang pagkagusto ko sakanya. Baka sadyang nagmamadali lang talaga siya kaya nakalimutan 'yon na dalhin. Kay Jay ko nalang ibibigay 'to.


"Talaga? Anong kulay ba n'yan?" Tanong niya. Iniabot ko sakanya ang paperbag at sinilip niya 'yon.


"Blue bolt," sagot ko.


Ngumiti siya ng malapad at inilabas ang bote. Namilog ang mga mata ko nang buksan niya 'yon at lagukin. Parang uhaw na uhaw at hindi inaalintana ang kakaibang lasa. Hindi kasi masarap para sakin ang gatorade kapag hindi malamig. Nainom lang ako n'yan kapag may lbm ako. Ewan ko, nakasanayan na.


"Favorite ko 'to, Salamat, Lexi." Si Jay.


"Welcome," ngiti ko.

"Hindi ka mahilig sa gato?" Tanong niya.


So Into YouWhere stories live. Discover now