Chapter 7

42 1 4
                                    


"Ay gaga ang kapal!"

"Boba si Lexi naglagay ba't ako hinahampas mo?"

"Ang ingay niyo mga letche!"

Nagsisigawan sila ngayon matapos kong maglagay ng lip tint. Napadami kasi kaya para ko tuloy idinukdok ang labi ko sa mangkok ng dugo, tsk!

Parte daw 'to ng operation magpapansin kay Gian. Hindi naman ako pala ayos talaga ng mukha at ayos na ako sa natural look pero heto sila ngayon at nagkakagulo sa gilid ko. Kung ano anong nilabas ni Geor kanina na make-up at make-up brushes. Tuturuan niya daw kasi akong mag make up. Hindi pa naman ako sanay.

"Pout your lips! Ganito oh..." maarteng ngumuso si Zara sa salamin na ginaya ko naman.

Bakit kapag sakin parang ang sagwa? Bakit pa ba kailangan ng mga ganito ganito? Pwede bang kagat labi nalang?

"Hindi ba pwedeng kagatin ko nalang para pumula?" Tanong ko.

Hindi ako sanay sa mga colorete sa mukha at ang pait pa ng liptint na binigay nila! Grabe araw araw naglalagay si Vanessa ng ganyang lasa ng pampapula ng labi? Buti natitiis niya.

"What? Saan ka bang dimensyon nakatira? Hindi na uso ang lipbite ngayon," irap ni Vanessa habang may pinipiga siyang cream.

"Taga bundok ka ba Alexine, ha? Jusko nakakaloka ka!" Reklamo ni Geor.

Grabe ha porket hindi marunong mag make up at gusto ng natural look lang ay taga bundok na agad?

Namilog ang mga mata ko nang ipahid sa mukha ko ni Vanessa ang cream na nasalikod ng palad niya gamit ang daliri ng kabilang kamay. Nangunot ang noo kong pinapanood ang ginagawa niya sa salamin. Ipinapahid niya sa mukha ko!

Ang lagkit tas ang dikit pa. Ito rin ba yung ginagamit niya lagi? Kapag napasok kasi 'yan ay laging naka make-up pero hindi naman sobrang kapal hindi tulad nung ibang mga babae sa school na parang sumapa ng sandamakmak na pulang bubble gum.

"Pikit ka, Lexi," sabi ni Zara na may hawak na maliit na brush. Para sa mata ata 'yon?

Pumikit naman ako at ramdam ko ang bahagyang panginginig ng talukap ng mga mata ko. Nalagyan na ako ng eyeshadow dati at ang bigat ng kamay nung baklang naglagay. Pakiramdam ko tuloy ay tinutusok niya paloob sa mata ko yung brush.

Medyo nakiliti pa ako nang dumampi ang brush sa mata ko. Walang nagsalita at pati ata paghinga ay hindi ginawa ng mga 'to.

"Kailangan ba talaga 'yan? Dito lang naman tayo sa bahay niyo," sabi ko habang nakapikit padin.

"At sinong may sabing dito lang tayo? Duh magma-mall na tayo ngayon!" Si Geor.

"Ha? Eh anong gagawin natin don, sabi niyo dito lang e..." napanguso ako.

Buti nalang ay medyo maayos na damit ang suot ko at pwedeng ipang-alis papuntang mall.

"Duh, chill sa mall and boy hunting! Test natin kung gagana ang iyong make over!"

Namilog ang mga mata ko at buti nalang tapos na lagyan ni Zara ng eyeshadow ang mata ko. Akala ko pagkalagay ay buburahin na 'to pero hindi pa pala? Nakakahiya mag mall ng nakaganito!

"Anong test test? Ayoko nga!" Reklamo ko sakanya. Napangiwi siya at binatukan ako na ininda ko naman.

"Arte mo! Kailangan confident ka, Lexi. Kaya ka hindi nagugustuhan ng crush mo e kasi hindi ka marunong mag-ayos at maging confident!"

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon