Chapter 2

70 5 12
                                    

Pagkauwi ko ay agad kong prinint ang tatlong pictures namin at photopaper ang ginamit ko para naman maganda at hindi madaling mapupunit. Pagtapos ay nagpalit ako ng pambahay at naupo sa study table ko saka tinitigan ang tatlong picture namin ni Gian na idinikit ko sa pader.


Busangot na busangot si crushie parang may regla.


Nangalumbaba ako't tinitigan iyon habang nakangiti ng malapad. Hanggang ngayon amoy ko pa rin ang mabangong perfume niya at kinikilig ako tuwing maiisip kung pano siya magseryosong sumagot kanina.


Sobrang talino niya at 'yun ang isa sa hinangaan ko sakanya. Hindi siya tulad ng ibang studyante na papetiks petiks lang sa pag-aaral, Ang isang 'to ay may ipinagmamalaking talino. Napabuntong hininga naman ako nang maalala ang busangot na mukha niya kanina habang nagpapapicture ako. Pwede namang ngumiti bakit ayaw niya? O baka red days niya ngayon kaya ganon siya? Mas maganda sana ang pictures namin kung nakangiti siya.


Nahiga ako sa kama ko at nagpipindot sa cellphone ko, Sinearch ko ang account niya para i-stalk katulad ng lagi kong ginagawa. Tulad ng dati ay wala siyang masyadong picture na inuupload at hindi siya Active sa social media. Ang profile picture niya ay halos magdadalawang taon na kung saan nakasuot siya ng jersey at may hawak na bola sa isang malaking basketball court.


Napabuntong hininga ako nang mapansing hindi parin niya ako finafollow back kaya naman inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako at nagsend ulit ng follow request sakanya. Ginanahan akong humanga lalo sakanya lalo na't nagkalapit kaming dalawa ng ganon kalapit sa isa't isa.


"Baka naman pa-followback lang crush," nakangiting sabi ko.


Naputol ang iniisip ko nang biglang may malakas na katok akong narinig sa pintuan ko. Kunot noo akong lumapit at binuksan 'yon at tumambad sakin si Kuya Maccoy.


"Bumaba ka na may marienda sa baba."


"Sige, Kuya." Sumunod naman ako sakanya pababa at pumunta kami sa garden area dahil doon nakahain ang maryendang pinahanda.


Umupo na kami at kumuha ako ng donut saka nilantakan 'yon. Ramdam ko ang gutom ngayon dahil naalala ko na hindi rin pala ako nakakain kanina sa afternoon break dahil nanood kami kay Gian. Sumimsim ako sa iced tea na nasa baso ko.


"Nagcut ka nanaman daw," muntik ko nang maibuga ang inumin ko sa sinabi ni Kuya.


Napayuko ako at tinignan ang donut na nasa platito ko.


"H-hindi ah! N-nasa clinic ako!" Maang maangan kong sagot.


"Talaga lang ah? Sabay kayong naempacho ni Vanessa? Tatlong beses ngayong linggong 'to?" Sarkastikong tanong niya na ikinanguso ko.


"Ikaw talaga! Sinasabi ko sayo huwag mong bibigyan ng sakit sa ulo ang Mama at Papa!" Pinitik niya ang noo ko, "Kung susunod sunod ka sa crush mo ay huwag ka nalang pumasok! Sundan mo nang sundan kahit kapitbahay lang naman!" Singhal niya sakin.


Nasa katabing bahay lang namin si Gian at hindi naman ako napunta don kahit pa magkakaibigang matalik ang magulang namin. Alam ni Kuya at Ate na crush ko siya dahil nabasa nila ang diary ko noong elementary kung saan ako pinakaunang nag confess, Sa Isang Diary.

So Into YouWhere stories live. Discover now