Chapter 25

43 1 0
                                    


Hindi pa nasikat ang araw ay nandito na kami sa school para abangan ang service. Katabi ko ngayon si Darlwin sa bench sa open grounds na malapit sa carpark para abangan ang pagdating ng sasakyan. Si Enrique ay bumili lang saglit habang si Sandara ay hindi pa nabalik.

May opening ng conference slash competition ngayon, bukas pa ang category ko at ang magsusulat palang mamaya ay si Darlwin at Enrique. Nakapantalon ako at polo shirt na may logo ng school namin. May personalized shirt din para sa journalism team pero sa last day pa iyon susuotin.

"Ang aga naman masyado. Ganito ba kayo last year?" Tanong ni Dar sakin.

"Oo, si Sir Cabral gusto n'yan laging earlybird. Last year nga una kaming nakarating sa venue." I chuckled.


Ayaw ni Sir Cabral ng Filipino time. Kapag nalelate kami sa meeting ng ilang minuto ay inis na inis 'yan, time is gold daw kaya dapat sinusulit ang bawat minuto at segundo. He values time so much and wants his students to value it as much as he does.

"Sabagay nakakahiya nga naman kung late tayo, tayo pa naman pinakamalapit sa venue..." aniya.

"Totoo. Kaya heto kahit hindi pa natilaok ang manok ay pagayak na tayo."

I swayed my legs slowly moving back and forth while waiting for the others. Si Sir ay may kausap sa telepono habang si Enrique naman ay kakabalik lang. Ang hinihintay nalang namin ay si Sandara na hanggang ngayon ay hindi pa nadating.

Mag-si-six thirty na at wala pa din si Sandara. Dumating na ang van na maghahatid samin at talagang puputok na ang ugat sa noo ni Sir sa kakahintay kay Sandara... first time niyang malate ngayon.

"Last five minutes at kapag wala pa siya ay hindi na natin siya isasabay." Badtrip na sabi ni Sir Cabral.

Tumango lang kaming tatlo at sumakay na sa Van. Sa likod ako ng driver pumwesto at katabi ng bintana. Hindi naman gano'n kalayo ang byahe pero required lang talaga na may service tuwing may competition na sasalihan ang Academy sa ibang lugar. For safety measures.


Alam ni Gian na maaga akong aalis. Nagpumilit pa na ihahatid ako sa school pero tumanggi ako dahil si Papa ang maghahatid sa'kin dahil oras ng shift niya ay sobrang aga. Napuyat 'yon si Gian kagabi dahil sa pag-aaral kaya kahit gusto kong makita ang mukha niya bago ang Competition ay huwag nalang dahil abala din siya.


Napaigtad ako nang marinig na magring ang cellphone ko mula sa bagpack na kandong ko ngayon. Inilabas ko 'yon at nakita ang caller id niya.


Love... ang cute naman.

Napangiti ako at napatitig lang doon ng ilang segundo. Sinagot ko na rin naman matapos ng ilan pang ring at sinalubong ako ng boses niyang pang bagong gising. Aga pa ah? Aga naman niya magising...


[Goodmorning, Lexi...] bati niya sa namamaos pa na boses.


"Goodmorning. Ang aga mo naman magising?"

[I want to check on you, so...] kinagat ko ang pisngi mula sa loob at nagpigil na maglabas ng tunog mula sa bibig.


Mahirap na, baka sabihin kinikilig ako...

Kinikilig naman talaga ako. Huwag nalang ipahalata siguro...


"G-Ganun? O-Ok lang naman ako. Matulog ka na ulit, alam kong puyat ka pa..."

I heard him yawning a bit and let out a soft chuckle. Dios Mio huwag naman sa ganyan ako madala. Boses palang 'yan halos manginig na ako.


[Nah, I slept enough. Dapat ay hinayaan mo ako na ihatid ka para mas maganda ang gising ko]


So Into YouWhere stories live. Discover now