Chapter 20

47 2 3
                                    

A/N: The pace is much faster this time. These are just filler scenes while i get into the real deal. Thanks for patiently waiting for updates.
- Ytal

Lunes na ngayon at ang lahat ng studyante ay nagtipon sa malawak na grounds para sa Flag Ceremony. Inaantok pa ako at medyo basa pa ang buhok. Maaga akong pumasok dahil ni-require ni Sir Cabral dahil sa announcement ngayong umaga. Ang dami ko ding ginawa kagabi na pahabol na assignments at activities kaya naman napuyat din talaga ako.

"Congratulations to Sandara Agono of Eleven Hyperactive, Enrique Santisteban of Ten Zeus, and Alexine Dominguez of Eleven Faithful for reaching the Nationals of the Journalism conference this year!" Anunsyo ng School President sa taas.

Umakyat naman kaming tatlo at ngumiti nalang sa mga studyante habang iniaabutan ng mga certificates. Masyado pang maaga para mag-celebrate pero dahil d'yan sila masaya edi sige okay na 'yan.

Hindi ko alam kung may kakaibang mahika ba ang pagkakabunggo namin ni Gian. Nang magsimula ang contest ay inulan ako ng mga ideya at halos kusa nang nagalaw ang kamay ko sa pagsusulat at pagkuha ng mga litrato. Nagulat nalang din ako kinabukasan ay inanunsyong nanalo ako sa parehong category at gold medalist pa.

Lucky charm.


Hindi rin ako mapakali matapos ang pagkikita namin na ganoon. Ang laki na rin pala ng nagbago sakanya, mas nagmukha siyang matalino at gwapo. Siya pa din yung dating Gian na nagustuhan ko. Napapangiti nalang ako ng mapakla kapag naalala ko ang pangyayaring 'yon. Sa lahat ba naman kasi ng lugar kung saan kami pwedeng magkita ay doon pa talaga at sa ganong event pa.


"Next month na ang Nationals at gusto kong pagtuunan ninyo ng pansin ang isang 'to. Bukod sa experience ay isang karangalan din ang maiuuwi ninyo kapag pinalad kayong manalo..." Si Sir Cabral.


Nandito nanaman kami sa opisina niya at may inilalapag lang na iilang paghahanda para sa nationals. Susulat lang ako sa hangga't kaya ko, kung mananalo edi mananalo, kapag natalo edi natalo. Simple lang.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sandara sakin nang makalabas kami sa silid na 'yon. Isa siyang STEM student at may mga hawak siyang mga folder, may makapal na salamin at naka braces. Nerd ang turing sakanya sa school na ito, pinaka matalino rin sa buong batch namin.


"Oo naman. Ikaw? Mukhang puyat na puyat ka ah..." sabi ko dahil pansin ko ang naglalakihang eye bags niya.


"Ah nagbabasa basa kasi ako..." aniya.

"Nagbabasa basa o nagbasa buong gabi hanggang umaga?" Natatawang sabi ko.


"Ah... Ganon talaga eh. Kailangan kong magbasa lalo para manalo sa nationals. Buti nga nakalusot pa ako nitong Regionals eh,"


Sa talino nitong isang 'to tsamba lang 'yon? Mga taong humble nga naman talaga oh...


"Nako ako pa lokohin mo. Petiks lang 'yon sa'yo! Ikaw kaya pinaka matalino dito!" Ako.


"Ikaw ang pinaka magaling na journalist dito sa school..." nailing siya, "... Sa buong siyudad." Aniya sa malamig na tono.


"... Kaya kailangan kong mas galingan pa para malagpasan kita." Pahabol niya saka ako iniwan.


Pansin ko nga nitong mga nakaraang linggo ay medyo iba ang pakikitungo niya sakin. Malamig na medyo iritado. Anong problema niya? Magkakampi kami at nasa iisang school kaya bakit ako ang gustong lagpasan niya?


Minsan nakakabaliw din talagang isipin ang mga pasikot sikot sa utak ng mga matatalino 'no?


Kung saan ka sasaya, Sandara, bahala ka.


So Into YouWhere stories live. Discover now