Chapter 24

37 2 0
                                    


"Bakla ka! Marupok!" Hinigit ni Geor ang buhok ko mula sa kinauupuan niya. Napaigik naman ako dahil medyo masakit.

Sabado na ngayon at nandito kami sa shop ni Ate Gem at nag-aya sila na tumambay dito bago ang competition ko sa Lunes. Gustong gusto rin na maki-chika sa panliligaw ni Gian kaya heto ngayon kaming apat.

"Hindi na daw niya gusto pero tignan mo kung sino ang manliligaw..." mapang-asar na sagot ni Zara saka sumimsim sa shake niya.

O sige na, Marupok na, gusto ko pa din. Atleast dalagang Pilipina.


"Nagpapaniwala kayo dito? Impossibleng hindi niya na 'yun gusto 'no, daming sumubok nitong senior year namin pero walang nangyare!" Tawa pa ni Vanessa, "... Gian padin hanggang dulo!"

Nagtawanan naman ang tatlo at parang hindi lang ako kasama kahit ako ang pinag-uusapan. Hello! Nandito ako sa table niyo, kasama niyo ako baka nakakalimot kayo!

"Lexi marupok! Kay Gian lang pokpok!" Kanta ni Geor. Halos maibuga ko naman ang iniinom ko dahil sa pagkanta niya.

"Hoy! Hindi ako pokpok. Grabe ka, dalagang Pilipina 'to!" Depensa ko sa sarili ko.

Binigyan nila ako ng nakakalokong tingin na para bang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. Hindi ba ako kapani-paniwala? Kung hindi ako Dalagang Pilipina ay baka nga unang araw palang ni Gian na panliligaw eh sinagot ko na siya eh.

"Weh? San Dalagang Pilipina d'yan?" Tanong ni Vane at umaktong sinisilip ang mukha ko tila ba may hinahanap.

Aba ang siraulong 'to...

"So pinapunta niyo lang talaga ako para asarin? Ganun ba 'yon?" Irap ko sakanila.

Nagpigil pa ng tawa ang tatlo habang nakatingin sakin. Hirap na hirap magpigil ng tawa ang mga kaibigan kong kupal habang iniinis ako. Minsan talagang naiisip ko na itakwil nalang ang mga 'to.


Palibhasa ang dalawa sa harap ko ay parehong sawi sa pag-ibig kaya ako ang inaasar. Si Vanessa nga ay may boyfriend pero bakit parang ako lang ang dehado lagi?

"Magchika ka na kasi! Kamusta naman manligaw si forever crushie mo?" Kinikilig pa na tanong ni Geor sakin.

"Nako! Araw araw sundo 'yan tsaka hatid!" Panimula ni Vanessa, "... Nakikita ko nga bumababa sa school si Gian tas sasakay ulit papunta sa university," kwento niya.

Ay, Lexi ka?

"Lexi ka ghorl? Ikaw? Chosera ka, 'Yung mga pribado nilang ginagawa syempre!" Sabat ni Zara. Napanguso naman si Vanessa at tinusok tusok ang tagiliran ko.

Pribadong ginagawa? Wala kwentuhan lang. Sa mga nakaraang araw na hinahatid sundo niya ako ay ganun lang. Habang naglalakad pauwi ay nagkakamustahan lang tungkol sa araw namin. Hindi pa kami ulit lumalabas para magdate dahil parehas kaming abala sa school. Siguto pag natapos na ang competition ay luluwag na ang schedule ko.

"Wala lang, nagkekwentuhan lang kami..." simpleng sagot ko.

"Boring naman!" Si Zara.

"Ang plain!" Vanessa

"Nag-kiss na kayo?" Tanong ni Geor.

Pumasok sa ilong ko ang iniinom na shake at marahas na napaubo. Hawak ko ang lalamunan habang umuubo dahil sa tanong niya.

Hindi 'no! Ang dila talaga ng isang 'to, hindi maganda ang pagkakatabas!

Natatawang hinagod ni Vanessa ang likuran ko. Natawa pa din ang dalawang impakto sa harapan ko at binibigyan ako ng malisosyong tingin.

So Into YouWhere stories live. Discover now