Chapter 10

38 3 0
                                    

"Kuya sige na payagan mo na ako, Please." Pagmamakaawa ko kay Kuya Maccoy.

Wala ulit sina mama at papa. Kakalubog lang ng araw at nakabihis na ako para pumunta sa court. Pahirapan nga lang mapayagan ni Kuya Maccoy lalo na wala pa si Ate Kass para tulungan akong utuin siya.


Bakit ba kasi ang aga ng uwian ni Kuya ngayon? Akala mo naman sa labas ako ng village pupunta eh 'dun lang naman sa village court ang punta ko. Gustong gusto ko talagang panoorin si Gian kaya pipilitin ko talaga si Kuya.


Si Vanessa naman ay susunduin ako pero syempre kailangan kong magpaalam. Tigasin si Kuya at kahit sa pa beautiful eyes ni Vanessa ay hindi siya madadala.


"Sige na, Kuya, Please payagan mo na ako!" Pinagdikit ko ang dalawang palad na nasa tapat ng dibdib ko habang sinusundan si Kuya na papunta sa kusina.


"Hindi pwede, Lexi. Gabi na oh, paano kapag may nangyari sa'yo dyan ha?" Sagot nito.


Sus.


"Wala naman kuya eh! Tsaka d'yan lang sa court, kasama ko si Vanessa." Pakiusap ko.


Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa ref, inagaw ko sakanya 'yon at ako ang naglagay ng tubig sa baso para sakanya. Ngumiti ako ng malapad at iniabot ang baso sakanya. Masamid ka sana, Kuya.


"Ano bang gagawin niyo don? Panonoorin mo boyfriend mo? Aba ipakilala mo muna 'yan dito, Lexi." Masungit na sabi nito. Pinigilan ko ang tawa ko nang bigla siyang masamid sa iniinom. Tinulungan ko pa siya sa pamamagitan ng paghampas ng marahan sakanyang likuran.


"Hindi kuya. Kaibigan lang naman papanoorin namin, sige na please, payag ka na guwapo kong Kuya." Pagpapa-cute ko habang hinihimas ang likod niya, naubo parin siya ng konti


Mariin siyang napapikit at nag-isip. Nagdasal ako na sana payagan niya na ako. Papayagan mo ako o iiyak ako dito ngayon, mamili ka, Kuya.


"Please?" Ulit ko. "Magpapahatid ako promise!" I raised my left hand.


"Ang kulit mo! Sige na layas!" Iritang sabi niya, "Text mo ako ah. Kapag walang maghahatid sa'yo pauwi ako susundo sayo don." Bilin niya.


Napatalon naman ako at napangiti ng malapad. Niyakap ko ang batok ni Kuya at mariin na hinalikan ang pisngi habang nahagikgik.


Hindi mo lang talaga siya dapat na lubayan para payagan ka. Kulit kulitin mo lang para magsawang itaboy ka at payagan na umalis. Malakas lang mambwisit si Kuya pero marupok 'yan!


"The best Kuya in the whole wide world ka talaga! Magtetext ako promise, I love you!" Paalam ko sakanya at kumaripas na ng takbo palabas ng bahay dahil baka magbago pa ang isip niya.


Dali dali akong lumabas at binuksan ang gate namin. Nadatnan ko si Vanessa sa labas na ilang ulit na umiirap at nagtitipa sa cellphone niya. Naka shorts siya at crop top. Maingat akong naglakad papunta sa likod niya para gulatin siya.


"Bulaga!"


"Ay shuta ka!"


Napahagalpak ako ng tawa dahil gulat na gulat siya. Kamuntikan pa niyang mabitawan ang cellphone niya na pinanggigilan niya kanina pa simula nang makita ko siya habang papalabas ako ng gate.


Sinimangutan niya lang ako at halos hampasin niya ng kulay pulang maliit na body bag. Ang dalawang butas ng ilong niya ay nanlalaki at sobrang sama ng tingin niya sakin kaya naman tumigil na ako sa kakatawa... Baka mamaya blackmail-in nanaman ako eh.


So Into YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz