Chapter 4

88 5 12
                                    


Naestatwa ako at hindi makakilos. Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan kong nasa lupa. Hindi ko naman inaasahan na lalabas agad siya don at maabutan ako dito.



Baka mamaya masabihan akong chismosa tas maturn off siya sakin! Halaaaaa



"H-ha?" Tanging nasabi ko



"Kanina ka pa d'yan?" Walang emosyong tanong niya sakin at humalukipkip siya.



"H-hindi! Tsaka a-ano, w-wala akong narinig promise!"  Napapikit ako ng marealize ang nasabi ko. Ganito talaga ang epekto ng suplado na 'to sakin 'no? Binabaliw ang sistema ko!



"Kahit may narinig ka pa wala akong pakialam," sabi ni Gian saka naglakad papalayo. Nanatili ako sa kinatatayuan ko at pinanood ang likod niya na lumalayo sakin.



Bakit ba ang sungit sungit n'yang lalaking 'yan? Nireregla siguro hmp.


Napasapo ako sa ulo ko ng makalayo siya at makalapit ako sa locker ko para ilagay ang nagbibigatang libro. So hindi niya girlfriend 'yon? Sure na 'yon? Grabe ilang oras akong nagluksa para sa wala?!

 

Ibang klase talaga ang chismis sa Pilipinas! Pambihira!



Habang inilalagay ko sa loob ng locker ang mga libro ay ngiting ngiti ako dahil sa narinig ko. Pakiramdam ko ang gaan gaan ng dibdib ko dahil sa narinig ko. Minsan maganda rin makichismis 'no? Lalo na pag ganun yung mapakikinggan, biro lang.



Sa sobrang kalutangan ay napaigtad ako nang maipit ang kamay ko sa pintuan ng locker. Napanguso ako at inalog alog 'yon para mawala ang sakit. Sinarado ko ang locker saka naglakad papaalis.



Mabilis akong naglakad at nagbabakasakaling makakasabay ko palabas si Gian pero mukhang nauna na siya sakin. Pagkauwi ko ay agad akong sumalampak sa kama at napapikit saka nagtitili.



Grabe Lord ang lakas lakas ko naman sayo! Pramis hindi ko na sasayangin 'to, aamin na po ako kay Gian kahit ang supla suplado niya!



Thank you po talaga kasi sinagot niyo yung dasal ko kahit iisang beses ko palang na hiniling! Super thank you po! I love you!



Sana huwag na po bumalik yung babae, magiging masaya na kami ng kaming dalawa lang ho ni Gian! Thank you ho talaga, you're the best!.



Magkadikit pa ang dalawang palad ko habang taimtim na dinisal 'yan. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nagpagulong gulong ako sa kama habang tumitili.



Hinihingal akong tumigil at naupo saka maya mayang nagpalit ng pambahay na damit. Ngiting ngiti parin ako ngayon at napagdesisyunang gawin ang assignments. Maya maya lang ay may narinig akong nagbubulungan sa tapat ng pintuan ko. Napakunot ang noo ko at pinakinggan 'yon ng maigi.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon