Chapter 49

15 0 0
                                    


Hila hila ako ni Gian sa mahabang hallway ng ospital. Kusa atang tumikom ang bibig ko at humupa ang inis ko sa nurse nang dumating siya. Siguro kung hindi pa dumating si Gian ay baka matagal pa akong naghintay at napigtal na siguro ang pasensya ko sa nakaduty sa front desk.


When we reached a door with ate's name attached on the wall we stopped infront of it and he took a quick look on the small glass on the door. May pasyente pa ata si Ate hanggang ngayon at hindi puwedeng maistorbo.


"Ayos na. Pwede ka ng umalis, kaya ko na." Napatingin siya sa akin at nangunot ang noo niya.


"You could've just messaged me para nasundo kita sa baba. The nurses and doctors are not familiar sa bunsong anak ng Dominguez..." Aniya.


I looked away. "Bakit naman kita imemessage. Ano ba kita..." Bulong ko sa sarili.


"Ayos lang din naman na maghintay ako dahil saglit lang naman 'yon."


"Mainit do'n at minsan tumatagal ang consultation. It would've been better if you messaged me so you didn't have to go through that trouble," seryosong sagot niya.


Para akong teenager na Lexi na pinagsasabihan niya uli. A memory flashed inside my head and it made my heartbeat go grazy like before. This guy... is something else.


The door opened and a pregnant woman accomopanied by a man, perhaps her husband came out the office. Malawak ang ngiti nilang dalawa at haplos haplos pa ang malaking t'yan ng ginang.


"Magandang araw, Doc..." Bati ng lalaki kay Gian. Napabaling siya sa akin at gulat na ngumiti.


"Magpapacheck up ka, hija? Grabe si Doc ang tinik naman! May maganda palang asawa na itinatago..." Aniya.


Agad na namilog ang mga mata ko at si Gian naman ay napangisi. Akala siguro nilang dalawa ay nandito ako, kami, para magpa-check up. Pinamulahan ang mukha ko nang pati ang buntis niyang asawa ay bumaling sa akin at ngumiti.


"Ikaw, Doc, ha! Ang ganda pala ng asawa kaya ayaw ilabas?" Asar sakanya ng babae.


Gusto kong magpalamon sa lupa dahil maling mali ang inaakala nila at hindi ako makasabat. Napabuga ako at dumiretso na ng pasok sa opisina ni ate Kass. Tumungo naman ako kanina para ba respeto sakanilang pag-aasaran.


"Ate, hindi ako buntis!" Nagulat siya sa sinabi ko at natigil sa pagsusulat. Maski ako nagulat sa sinabi ko e.


"Oh? Paano ka mabubuntis e wala ka namang boyfriend?" Takang tanong niya. "Hindi ka nga buntis. Bakit, anong meron?"


The door closed and I heard Gian's footsteps behind me. Inilapag ko nalang angga folders sa lamesa ni Ate Kass at nakabusangot na nilingon si Gian na may multo ng ngisi sa mga labi niya.


He's enjoying this and he will tease me later about it.


"You saw nurse Evi with her husband? Hinahanap ka sa'kin pero ang sabi ko ay on duty ka," si Ate kay Gian.


"Yeah, they greeted me and kinda mistaken Lexi as..." I glared at him at nginisian lang ako ng loko lokong 'to, "... My wife."


Humagalpak ng tawa ang kapatid ko at napapalakpak pa sa tuwa habang ako ay nakaupo sa tapat ng lamesa niya at nakabusangot. Pati ba naman si Ate ay tuwang tuwa?


"Kaya pala pumasok dito tapos ang sabi..." She cleared her voice, "... Ate, hindi ako buntis!" Panggagaya niya sa boses ko kanina.


"Ate naman!" Atungal ko.


So Into YouWhere stories live. Discover now