Chapter 6

61 2 0
                                    


Hindi ko talaga alam na kahit siguro maging sing ugali ni Satanas ang isang 'yon ay gustong gusto ko pa din siya! Hindi man lang ako idinaan sa bahay para malaman kung safe ba akong nakauwi. Konsensya naman niya kung may mangyayari saking masama! Napakahirap ba akong ihatid sa bahay?


Magkapit-bahay lang kayo wag kang ano!



Nakanguso ako ngayong nakaupo sa hapag kainan. Mabigat padin sa dibdib yung sinabi niya kanina. Akala ko ihahatid ako sa bahay pero hindi pala. Your expectations hurts you nga naman, wow english.



"Lexi ayos ka lang ba?" Tanong ni Ate Kass.



Nag-angat ako ng tingin sakanya at ngumiti para masigurong ayos lang ako.



"Ayos lang ako ate," sagot ko at sumubo ulit ng pagkain.



Napatingin naman ako kay Mama at Papa na nakatitig sakin na may mapagtanong na mga mata.



"Napapadalas ata pagka matamlay mo? Ano ba talagang nangyayari?" Si Papa.



Baka akala ng mga 'to inaaway na ako sa school. Pinilit kong ngumiti ng malapad at sumagot sakanila.



"Ayos lang po talaga ako, Promise!" Itinaas ko ang kanang kamay ko, tanda ng pangangako, "...Pagod lang po siguro ako,"



Huminga ng malalim si Papa at nginitian ako. Nagpatuloy na kami sa tahimik na pagkain at nang matapos ay umakyat na ako sa kwarto ko para gawin ang assignment ko. Dalawa lang naman 'yun kaya hindi ako aabutin ng kung anong oras.


Nagawa na ako ng assignment sa study table ko nang biglang mag ring ng napaka lakas ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon at nakita ang pangalan ni Vanessa. Tumatawag siya.


"Oh?" Sigang bati ko.


"Oh kadin," sagot niya.


Sana kung 'di nalang ako hinabilin ng impaktang to eh.


"Ano nga 'yon?" Kumunot ang noo ko.


Bakit kaya tumawag 'to.


"Kamusta? Ano nag-usap ba kayo?"


"Oo."



"Good. Good...Tapos? Anong nangyari?" Nang iintrigang tanong niya.


"Sinabay niya ako,"


"Uh huh, tapos?" Parang nabibitin na sagot niya.


"Tapos umuwi na siya."



Akala din siguro ng isang 'to ihahatid ako ni Gian. Asa ko nalang diba? Okay lang 'yan Lexi, kung libre lang daw mangarap, libre lang din umasa.


"Hindi ka hinatid? Sabay lang?" Gulat na gulat na sabi niya.


"Pano ihahatid e mas mauunang madadaanan ang bahay nila. Alangan naman magsayang ng energy yung tao sa paglakad sakin 'di ba?" Ngumuso ako.



"Sa susunod sasabihin ko paki 'hatid' ka,"



Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Baka mamaya makahalata sakin si Gian na patay na patay ako sakanya at baka ginagamit ko lang ang kaibigan ko para mapalapit sakanya! Lalong matu-turn off sakin 'yon kahit never na turn on!



"Tigilan mo 'ko Vane ha! Plano mo 'to no?!"


Narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya. Sabi ko na eh! Plinano niya 'to! Kikilos naman ako pero hindi ngayon...Kapag ready na ako.




So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon