Chapter 1

114 6 8
                                    

"Padaan! Padaan!" Sabi ko habang hinahawi ang mga studyante.

Papunta ako sa Auditorium hila hila ang bestfriend ko na si Vanessa para manood sa quiz bee na ginaganap ngayon. Nalate ako ng kaunti dahil humanap pa ako ng paraan para makatakas sa subject namin.

"Aray ko! Saglit! Dahan dahan sa hila ha yung skin ko namumula na sa hawak mo. My gosh...." reklamo ni Vanessa

"Bilisan mo kasi maglakad! Baka 'di na natin maabutan yung love of my life ko!!!" Hinila ko siya paakyat sa auditorium at may mga ilang studyante rin na nanonood 'don.

Gumitgit kami hanggang sa makarating kami sa harapan at kitang kita ko ang pinaka gwapong studyante na nakilala ko sa campus na 'to. Si Gian Laxson. Simula elementary ay crush ko na 'yan!

Si Gian ay hindi lang basta gwapo! Matalino siya, Super talino! Masipag at sporty kaya naman halos lahat ng babae sa school namin ay crush siya...Pero ako ibahin mo ako! Kasi mahal ko 'yan! Hindi lang crush! Mahal!

Magkabusiness partner ang Daddy niya at Daddy ko na parehong doktor at nagdesisyon na magtayo ng ilang ospital dito sa Cebu kaya naman maswerte akong nakakapunta kung may party sa kanila.

"Ang galing galing talaga ni Gian!"

Syempre bebe ko 'yan e!

"Ang talino talaga niya grabe! Tignan mo nangunguna siya sa scoring! Haaay!"

Nangunguna din siya sa puso ko hehe!

Hindi pala nangunguna...

Nag-iisa pala siya sa puso ko!

"Hoy!" Napaigtad ako at napatingin sa gawi ni Vanessa

"Ano?!" Irita kong sabi

"Para kang baliw d'yan nangiti ka mag-isa habang nakatitig kay ano, Lakas ng saltik natin ah? Hindi nakainom gamot?" Sarkastikong sabi niya habang iniikot ang hintuturo sa ere.

"Baliw!"

"Ikaw ang baliw Lexi! Pangiti ngiti ka pa d'yan!" Singhal niya

Hindi ko siya pinansin at nag focus kay Gian na nagsusulat ng mabilis sa whiteboard niya ng sagot. Itinaas niya ang whiteboard at nang magbibilangan na ng nakakuha ng tamang sagot ay kasama nanaman siya!

Grabe I'm so proud of my baby!

Gaga hanggang sulyap ka lang!

Hanggang sulyap lang naman talaga ako sakanya dahil never akong naglakas loob na lapitan siya. Bukod sa nahihiya ako e parang napipipe ata ako pag nasa malapit siya. Ilang parties na nila ang nadaluhan ko pero hindi ko siya nagawang kausapin dahil sa dila kong nagbubuhol pag nasa malapit ang isang 'to!.

Natapos ang quizbee at diretso awarding na sa harapan kaya naman bumaling kami sa stage kung saan naroon ang head ng iba't ibang departments at ang principal namin.

"Our 3rd placer is Danica Samonte!" Nagpalakpakan ang mga tao at umakyat ang babae saka sinabitan ng medalya at pagtapos ng isang picture ay gumilid ito.

"Our 2nd Placer is Raynald Armendaiz!" Muling nagpalakpakan ang mga tao. Sinabitan ng medalya ang lalaki at nagpicture saka gumilid.

At heto na ang pinakahihintay kong place.

Ang magkaroon ng place sa puso niyang malaki ang space hehehe...

"Our champion..." tumigil sa pagsasalita ang teacher at nagkaroon ng drumroll na soundeffect  "....Is Gian Laurence Laxson!" Lumakas ang palakpakan at nagkaroon din ng malakas na hiyawan. Karamihan sa mga nahiyaw ay mga babae.

So Into YouWhere stories live. Discover now