Chapter 15

48 2 0
                                    


Nakailang palit na ako ng damit at hindi ko malaman ang susuotin ko talaga. Nagkalat sa kwarto ko ang mga damit na hinubad ko kanina. Naka-dress ako ngayon na kulay itim at balak kong palitan 'yun ulit dahil masyadong magarbo ata.


Sabado ngayon at pupunta kami sa mall. Date ata nina Vanessa at hinatak lang nila kaming dalawa ni Gian. Sa pagkakaalala ko ay sasabay lang si Gian kay Sean dahil may bibilhin daw siya pero nagulat nalang ako nang pasamahin niya na rin ako. Gustong gusto ko rin naman sumama pero naisip ko na sasaglit lang naman si Gian kaya huwag nalang. Pero wala eh inaya niya ako kaya heto ako ngayon halos baliktarin na ang cabinet para makahanap ng susuotin.



Pinulot ko ang pantalon at isang baby pink na collar crop top. Magpapalit ulit ako parang mas bagay 'to eh, mas simple. Pumunta na ako sa banyo at nagpalit balak ko nalang na terno-han ng sneakers 'to. Masamang ideya ang dress dahil baka masilipan pa ako mamaya. Mahirap na.



Pagkalabas sa banyo ay niligpit ko isa isa ang mga damit at ibinalik sa cabinet ko. Halos pitong pantalon, apat na palda at walong pang-ibabaw pala ang nailabas ko. Kaya pala ang sakit sa mata ng kalat dahil masyadong maraming damit ang nailabas



Nang maayos ko na ang kwarto ay kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung nag-message na ba sakin si Vanessa. Susunduin niya kasi ako at makikipagkita nalang kami 'dun sa mall kay Gian at Sean.



Vanessa:

Nandito na ako sa labas. Bilis impakta ka ang inet!



Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at sinukbit 'yon sa aking balikat. Dali dali akong bumaba dahil nand'yan na si Vanessa. Naabutan ko pa si Mama na nag-aayos ng bulaklak. Nang makita niya akong nababa sa hagdan ay napa-ayos ng tayo si Mama at nagpagpag pa ng kamay.


"Nand'yan na si Vanessa?" Tanong ni Mama. Dumiretso naman ako sakanya at humalik sa pisngi niya na ikinangiti niya.



"Opo. Aalis na ako, Mama." Paalam ko.



Sinilip ni Mama ang malaking double doors ng bahay na nakabukas. Kita don ang black na SUV nina Vanessa.



"Dapat pinapasok mo na muna dito..."



"Hindi na po, kakadating lang naman niya at nagmamadali na rin po kami." Paliwanag ko. Mama wanted to ask more questions but she stopped herself.


"Osige. Mag-ingat ha? Kung gagabihin kayo ipapasundo nalang kita para hindi ka na ihahatid ni Vanessa dito." Hinaplos ni Mama ang aking buhok at ngumiti ng matamis.



I nodded, "Yes, Mama. Text ko nalang po kayo, babye!" I waved and walked away.



"Enjoy, Anak!" Pahabol na sigaw ni Mama.



I was smiling on the way to Vanessa's Car. Nang makarating sa tapat ng pintuan ay may nagbukas non para sakin na driver niya. Vanessa in her fitted denim skirt and sleeveless cropped top is sitting with her arms crossed against her chest. Naupo ako sa tabi niya at tinampal ang exposed na maputing hita nito.



She flinched and pulled my hair while frowning.



"Aray ah. Yung hita ko!" Sigaw nito at hinimas ang medyo namumulang hita niya.



Umandar na sasakyan papunta sa destinasyon namin. Hindi ko mapigilang maexcite at kabahan dahil kasama nga namin si Gian dito. Sa sobrang kaba ko ay namamawis ang palad ko at kumakalabog na ang dibdib ko agad. Humihinga ako ng malalim para mabawasan ang bawat kabang nararamdaman pero hindi umeepekto 'yon.



So Into YouWhere stories live. Discover now