Chapter 40

24 1 0
                                    



"Hoy Dominguez tawag ka ni Prof!" Tawag sa akin ni Jamie.


Patapos na ako ng college at nakapasok ako sa isang magandang broadcasting company for my OJT dito sa maynila. I accepted the Dean's offer of sending me here in UST. Nagka aberya lang ng konti dahil pang 4th year ko na pero ginawan niya talaga ng paraan para makaluwas ako.


My family was shocked when I told them I'm going to transfer to manila. Agad agad na kumuha si Mama ng condo malapit sa iniistay-an ni Kuya minsan. Sabi ko nga ay sa condo nalang ni Kuya pero umangal si Kuya agad.


"Bakit daw?" Tanong ko.


"Dunno. Baka ipapakuha 'yung mga bagsak nating quizzes!" Tumawa siya. Napairap nalang ako.


"Distribute those to your classmates. Sumasakit ang ulo ko sa mga score nila pakisabi."


Napakamot nalang ako sa ulo ko nang makuha ang mga papel ng mga kaklase ko. Papetiks petiks nalang kasi palibhasa ay fourth year at mag sisimula na ang OJT bukas.


Pagkabalik ko sa classroom ay parang mga hayop na nakawala sa hawla ang itsura nila. May nag memake up, nag gigitara, nag ccod at nagpophoto shoot. Napailing ako at sinimulang ipamigay ang mga papel sakanila isa isa.


"Inuman daw mamaya, Lex. Sama ka?" Tanong ng kaklase ko.


"Depende. OJT na bukas baka hindi ako magising," sagot ko.


Madalas naman akong sumasama sakanila kapag walang pasok kinabukasan talagang control lang. Pero duda ako sa mangyayari mamaya dahil kapag merong may birthday no chill mag inuman ang mga 'to.


Baka maagang masira atay ko buwan buwang may inuman.


Kinabukasan ay maaga akong gumising para mag-ayos. Bago ako naligo ay inayos ko muna ang condo ko dahil medyo matagal na noong nakaraan akong naglinis. Nagsuot lang ako ng checkered skirt, beige na sando top at pinatungan ko ng pastel hoodie na babagay sa kulay nito. Pinili ko nalang mag flat shoes kaysa mag heels at baka bumigay ang mga paa ko.


Balita ko ay late nagsipag gising ang mga kaklase kong nag inuman kahapon. Buti nga sakanila. First day na first day late agad sila...


"Good Morning po," bati ko sa boss dito nang napadaan siya sa table ko.


Hindi ganoon kadaling maging intern dahil malayong malayo ang alam ko sa alam nila. I sighed when lunch finally came and I was craving pares for lunch.


Saan kaya mayroon?


Nagtiis ako sa init ng araw habang naghahanap ng paresan sa may tapat ng building namin. Tabi tabi ang mga karinderya at kainan kaya naman sana ay may pares silang tinda dahil naglalaway na ako.


Bigla kong naalala si Jay... Pares buddy.


So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon