Chapter 9

28 1 0
                                    


I can't believe it! Isasabay ulit ako ni Gian pauwi dahil ibinilin nanaman ako ni Sean at Vanessa sakanya! Kahit na bilin lang at ginawa niya para sa pabor ay masaya na ako 'no!

Ang bait niya talaga dahil kung hindi siya mabait ay malamang hindi ako isasabay neto at iiwanan ako mag-isang umuwi. Kahit na hindi siya gaano kadaldal ay ayos lang, basta kasabay ko siya.


May date nanaman kasi si Vanessa at Sean kaya ako at si Gian ulit ang naiwanan. Napapadalas ang paglabas nila ah? Ang pagkakaalam mo kay Vanessa ay dalawang beses lang sila lalabas ng boyfriend niya tapos break na sila kinabukasan.


"Bayad po, Dalawang studyante..." sabi ni Gian habang ipinaabot ang bente pesos na hawak niya.


Katabi ko siya ngayon at naunahan nanaman niya ako sa pagbabayad. Ang bilis niyang dumukot lagi ng pera, kapag maglalabas palang ako ng pitaka ay nakapagbayad na siya.


"Ako na sana, ikaw nagbayad nung nakaraan 'e..." sabi ko.


Sinusubukan kong tatagan ang loob ko kahit sobrang gusto kong magsisigaw sa Kilig. Nang makapagpasalamat ako sakanya kanina, kahit nakakahiya ay tumaas kahit papaano ang confidence kong kausapin siya. Idagdag narin yung pinagawa nila sakin sa Café. Isa na rin ang paggawa ni Vanessa ng paraan para makapag-solo kami, ang ganito, ang iwan kami para makapag-date sila.


"It's okay, just save that for tomorrow," sumulyap siya sa'kin.


Ang gwapo talaga ng boses niya. Nanginginig na agad ang mga binti ko kapag naririnig ko ang malalim niyang boses. Nanghihina ako kapag katabi ko siya, gaya ngayon. Pero kailangan mong tatagan ang loob mo Lexi, Hindi ka uusad kung magpapadala ka sa kilig!


"Okay, sabi mo eh..."


Nang marating ang tapat ng village namin ay pinauna niya akong bumaba. Gentleman naman pala siya... May topak lang minsan.


Hawak hawak ko ang strap ng bagpack ko habang  sinasabayan ang mabagal na lakad ni Gian. Hindi pa rin siya naimik gaya ng dati, he doesn't waste saliva on nonsense talks nga daw. Naalala ko 'yon.


Tanungin ko nalang kaya siya? Tungkol sa strand niya para naman kahit papaano ay may topic kami? Tama! Tatanungin ko nalang siya. Galing mo talaga Lexi, wag ka lang sanang mabulol.


"U-Uh m-mahirap b-ba mag S-STEM?" medyo nautal na tanong ko. Halos masapo ko ang noo ko.


Napatingin naman siya sakin at nag-angat ng kilay. Sa itsura niya araw araw ay mukhang mahirap ngang mag-STEM, Aral na aral siya lagi eh.. Oh siya lang ba dahil habit niya na ang mag-aral?


"If you study, STEM won't be hard for you," tipid na sagot niya.


Nag 'o' ang labi ko at tumango tango. Boba, Lexi, syempre kung mag-aaral ka nga naman walang mahirap na Strand! Isip ibang tanong!


"Edi petiks lang sa'yo? Lagi kitang nakikitang nag-aaral eh," anak ng— petiks?! Gusto ko na pagsasampalin sarili ko talaga. Wala na akong naisip na magandang word, sana kahit 'so easy lang sa'yo' hindi ba?


"Yeah, Maybe, Sometimes it's still hard," sagot niya ng hindi tumitingin sa'kin.


Nang lumipas ang ilang segundo ay narating na namin ang bahay niya. Tumigil siya sa tapat ng gate nila na ikinagulat ko. Ihahatid niya kaya ako? Sus, huwag assuming 'te, nakakamatay.


Napanguso nalang ako at hinarap siya ng may ngiti sa mga labi. Sinubukan kong umaktong normal kahit ang abnormal na ng puso ko sa loob ng ribcage ko. Galing mo naman pala mag-inarte, Lexi, galingan mo pa.


So Into YouWhere stories live. Discover now