Chapter 14

42 1 0
                                    

Nakatulala lang ako habang may malapad na mga ngiti sa labi ko. We're friends and he confirmed it! Kung hindi lang siya nakatayo parin sa harapan ko ay baka nagtatalon na ako sa tuwa.  I'm trying to contain all of my happiness inside!



Okay lang naman sakin ang friendship. Everything starts with friendship! And bilang friend ay madalas niya na akong makakausap na parang normal kumbaga! I can't wait for the upcoming days to come.



"S-Sige uuwi na ako! Ba-bye!" I waved my hand at him. He smiled and waved a bit.


He smiled! It's the first time i saw him smile!



My jaw dropped that made his forehead crease. Wala ho ba ako sa langit? Bakit po iba't ibang napaka impossibleng pangitain ang pinapakita ninyo sa'kin ngayon? Gian smiled and it was like the earth was about to break into half! Hindi siya nangiti ng ganyan!


"What?" He asked.



"N-Ngumiti ka! First time kitang nakitang ngumiti!" I pointed his lips, still shocked.



"Oh did i?" He chuckled. My heart beated fast and my tummy fluttered when i heard his low chuckles.



"Yes you did!" I said. Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya. Gian stared at me for a few seconds and it's tightening my heart.



He looked away and gripped on his bagpack's strap. Umigting ang kanyang panga at seryosong tumitig sa gate ng kanilang bahay. Nakalimutan ko na nagpaalam nga pala akong uuwi na ako tapos hanggang ngayon ay narito pa rin ako. It's a prank!



"You should go." Mariin na saad niya. Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng taka. His mood changed that fast huh? Sabagay moody naman ata talaga itong isang 'to.


"Sige na, bye!" Paalam ko. My smile faded when he didn't say it back. Malakas naman ang pagkakasabi ko ah? Baka hindi lang talaga narinig dire diretsong pumasok sa bahay nila eh.



Pagkadating ko sa bahay ay tahimik lang ang loob at wala ata si Kuya, may klase hanggang ngayon. Sina manang ay wala rin sa sala at baka nasa kwarto nila at nagpapahinga. Nakakabingi tuloy ang katahimikan sa sala namin.



Umakyat na ako sa kwarto at agad na nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng pyjama na pink dahil tutulog na din naman ako mamaya pagtapos ko gumawa ng assignment. Sayang sa damit kung magpapalit pa ulit. Matapos kong maghilamos ay naglagay ako ng toner sa isang cotton pad, linisin ko raw kasi ang mukha ko pagkauwi dahil madumi sa labas.



Habang nagpapahid ng mukha ay kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama at chinat si Gian.


Ako:

Perfect pala yung assignment, salamat ulit! Galing mo mag math ahh 😝



Kinagat ko ang aking ibabang labi habang hinihintay ang reply niya. Hahaba na din kaya ang reply ng isang 'to? Ayos lang din naman ang maikling reply niya. Hindi nga kasi siya mahilig magsalita pati na rin mag-type. Masipag mag-aral, tamad ibuka ang bibig.



Gian:

Great. You're welcome.


Tipid 'di ba? Ayos lang ang cute nga eh.


Ako:

Last na 'yun! Nakakahiya kasi sa'yo, kaibigan.


Gian:

Ngayon ka pa nahiya kung kelan nacheck-an na.



Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung insulto pa 'yob o biro, eto ang problema rin sa mga sing lamig ng yelo mag reply eh, hulaan mo expression nila. Sige kunwari joke 'yon Gian.



So Into YouWhere stories live. Discover now