Chapter 28

30 0 0
                                    


"Say it again." Nanigas siya sa kinatatayuan at ilang beses pang napakurap tila hindi makapaniwala sa narinig.


"You're my boyfriend now," I said slowly for him to understand.


Napabitaw siya sa bewang ko at laglag ang pangang nakatitig sa'kin. He was shocked. Plano ko naman talagang gulatin siya eh.


"Ano? Tulala ka nalang ba d'yan!?" Sigaw ni Kuya Maccoy galing sa kinauupuan niya. Hindi parin nakibo si Gian.


Gulat na gulat?


"Ayaw mo ba? Sige bawiin ko nalang..." I joked.


Nagulat ako nang yakapin ako ni Gian ng mahigpit. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko kaya ramdam ko ang hininga niya. I felt his lips curving into a smile while his face is still against my nape.

The spotlight was on us. Ang tugtog ay patuloy padin sa pagplay habang nakayakap si Gian sa'kin. Shock was evident in everyone's faces. Ang Mama ni Gian ay katabi ni Mama na kinikilig pa habang ang Papa ni Gian ay nakahalukipkip sa tabi ni papa mukhang proud na proud pa sa anak niyang bunso.

Si Papa? Nakakuyom ang kamao at handa nang manapak.


"Wala ng bawian 'to." Gian said. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin.


"Walang bawian." I smiled widely.



The thought of being in a relationship with him excites me. I wanted this long ago so bakit ko pa ba papatagalin? What happened in the past is all clear right now. Ang importante ay parehas kaming natuto. We can grow and learn together since this is our first relatonship.


"Emcee! Lipat na sa eighteen shots. Sumosobra na sa oras 'tong batang 'to!" Sigaw ni Papa. Natawa si Tito Miguel na katabi niya at sinapak ang braso ni Papa.


"Ayaw mo talaga sa anak ko 'no?! Hindi na lugi ang bunso mo sa bunso ko, Pare."


Papa glared at Tito Miguel. "Ikaw ang lulugiin ko, Laxson." He scoffed.



Umakbay sa'kin si Gian at marahan na hinalikan ang gilid ng ulo ko. Kinikilig nanaman ako, lagi naman.

 

"Hindi naman ako lugi sa'yo talaga." Gian smirked, "... you're lucky I'm your boyfriend."

Wow ang confident talaga. Pwede bang bawiin ko 'yung sagot ko sakanya?

"Wow ang confident naman! Ikaw ang swerte sa'kin 'no! Fyi lang."


Natawa si Gian at hindi parin tinatanggal ang pagkaakbay. Ang mga tatay namin ay nag-aasaran pa habang kaming dalawa ay naghaharutan sa gitna. Muntik ko ng makalimutan na may party pala at may mga nanonood sa'min.



Wala naman silang imik eh. Pati yung Emcee kanina na ungkat ng ungkat sa lovelife ko ay natahimik bigla. Kinilig masyado.


"I was just kidding. Of course mas swerte ako... baka nga ikaw pa ang lugi." His eyes saddened.

So Into YouWhere stories live. Discover now