Chapter 32

28 1 0
                                    


It was a tiring ride from Cebu to Manila. Sumakit ang pwet ko pati na rin ang batok ko sa byahe. It wasn't my first time riding a plane, hindi pa din siguro ako sanay sa pag lipad no'n. I literally almost puked inside the airplane.


"Ayos ka lang, Ate Lex?" Tanong ni Enrique habang tulak ang pinaglalagyan ng mga gamit naming dalawa.


"Medyo nalula lang..."


Napabaling naman ako kay Sandara. Bukod sa prepared siya sa dami ng dalang gamit ay grabe din ang pormahan niya, naka leather na mahabang coat at black skinny jean.. naka boots pa. Naiiling nalang ako sa itsura niya at may shades pang suot pinagtitinginan kami dahil sakanya. Ang init init tapos naka-coat?


Ako nga pantalon tas t-shirt lang at sneakers pero hayaan na, siya naman 'yan.


"Grabe akala ko nakaabot tayo international contest, grabe porma ni Sandara oh," natatawang sambit naman ni Enrique. Sayang wala si Darlwil dito, hindi kasi siya nakaabot sa top 2.

"Hayaan mo na..." Ika ko nga hindi ba 'let girls wear what they want to wear'


Pagkalabas sa mismong airport ay tumagaktak agad ang pawis sa noo ko. Hinihintay namin 'yung sasakyan na nirentahan ng school para sa buong linggo.. ang yaman naman ng school namin? Isang linggong hotel at isang linggo na rent ng sasakyan.


Ah there was this rumor na may sponsor na isang sikat na journalist. Kaya naisasali sa mga special conferences ang journalism team ay dahil sakanya. Expenses are covered at mga aspiring journalist nalang ang pupunta. Mayayaman din pala ang mga journalist 'no? But, that's still unclear..


Habang hinihintay ang sasakyan ay nilabas ko ang phone ko at nagtipa ng mensahe kay Gian. Nauna ko munang itext ang mga magulang ko bago siya. Tanghali na kaya ramdam ko talaga ang init dito sa maynila. Kulang nalang yata ay mag-strip ako sa init, hindi naman summer pero parang summer.


Ako:

Nandito na kami hinihintay lang sasakyan papuntang hotel. Nasaan ka?


Akala ko ay matagal pa siyang makakareply pero hindi naman inabot ng ilang minuto, segundo nga lang ang lumipas.


Love:

University. How's the flight? Ingat kayo.


I replied


Ako:

Kapagod. Ang init dito, kumain ka na, love?


Okay kalma, Lexi.. Grabe parang sasabog 'yung puso ko kapag tinatawag siyang Love. Masasanay din naman ako hindi lang siguro ngayon.


Love:

Yes. Rest when you get to the hotel, I'll call you after class.

"Nandito na 'yung sasakyan," anunsyo ni Sir Cabral at itinago ko na ang telepono sa maliit kong bag.


The hotel was not that far but the traffic was like hell, talo pa ang pagong sa pabagalan. The pollution was too much to take at bawat sulok ay marumi't puro basura... It's not like Cebu is not like this, yes, polluted and may iilang kalat but unlike manila.


Hindi naman kami sa sentro nakatira, malayo kami sa madaming polusyon...


It's not my first time going here. Nagkaroon na ng ilang reunions sa family ni Papa na dito ginanap sa Maynila kaya naman ay nakaluwas kami pero bata pa ako non. Speaking of bata, madaming bata ang mga nangangatok sa bintana ng sasakyan, nagbebenta ng kendi, sigarilyo, basahan, tubig pati sampaguita kahit malayo ang simbahan... sa gitna ng kalsada? Sampaguita?


So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon