Chapter 48

16 0 0
                                    



Habol hininga kami pareho ni Jay nang maghiwalay ang mga labi. After almost a decade I kissed someone again and muntikan ko na maramdaman kung ano ba ang pakiramdam ng mahalikan.



He planted soft smacks on my lips and tucked the strands of my hair behind my ears. Mainit padin ang pisngi ko at nang mapasulyap ako sa poste na hindi kalayuan ay wala na ang pigura niya do'n. So it worked, huh?



"Thank you," Jay whispered. "This is one of the best nights in my life. May ma-ko-cross out na ako sa bucket list ko." Ngisi niya.



Nangunot naman ang noo ko. "Ano naman 'yon?"



"To hold you like this..."



Agad akong napaiwas ng tingin at tumawa naman si Jay. Nahihiya ako bigla dahil sa ginawa kong pagtugon sa mga halik niya but it also made me feel something weird. Baka dahil may nanonood kaya gano'n.



"Jay naman nang-aasar pa," saway ko sakanya.



"I was just joking!" Aniya.



Tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa. Agad naman niyang nilabas 'yon at sumenyas na sasagutin lang niya. Tumango nalang ako at hindi naman na siya lumayo nang sasagutin na ang telepono dahil wala namang tao din bukod sa aming dalawa.



He nodded while listening to the person from the other line. Maybe it's his manager telling him something important dahil siya lang naman ang laging natawag kay Jay kahit ganitong mga oras na.



"Can't that be rescheduled?" Lumungkot ang tinig ni Jay habang nakatingin sa'kin.



"Right..." He sighed heavily. "... Magpapaalam muna ako bago umalis. Yeah, I know..." The call ended and agad niyang ibinulsa ang cellphone niya.



He faced me and gently led my hand to his lips to kiss it softly. Nagsusumamo ang mga mata niya at nanghihingi ng tawad. I understand, he has work to do while he's here dahil hindi naman bakasyon ang ipinunta talaga niya sa cebu hindi katulad ko na may leave talaga. He's here for work not for vacation.



"Sasamahan kita magpaalam kina Mama," I told him.



"I guess I'll just visit again tomorrow, what do you think?"



Ang takas na buhok na natama sa ilong ay sinuklay ko pabalik. He really wants to be closer with my family despite his busy schedule and complicated life. Palagi nalang siya ang nag aadjust para sa akin...



"Kung busy ka bukas huwag mo na ipilit," I said. Umangal ang ekspresyon ng mukha niya sa sinabi ko.



"I'll visit tomorrow. No more buts."



Napairap ako. Hindi rin nagpapatalo ang isang 'to kaya paano na?



"Ako nalang ang pupunta sa'yo bukas. I can tag along sa trabaho mo..." His face brightened at alam kong ako na ang panalo.



Hindi naman na siya nakipagtalo at nakahawak pa ako sa braso niya nang pumasok kami sa loob para makapagpaalam siya.



Laughters welcomed my ears at kita ko kung paano magtawanan ang mga magulang namin sa sala. The Laxsons was the only family we are close to dahil simula palang noong college ay magkakaibigan na nga ang mga 'yan, they purposely decided to have their houses near eachothers dahil ganoon sila kaclose.




So Into YouWhere stories live. Discover now