09

30 2 0
                                    

"Tara kain muna tayo doon."






Mabilisan niyang pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. Ngumiti din siya sa'kin at marahan akong hinila sa mga stall na may tusok-tusok.






"Jaze. Busog pa ako," sabi ko sa kanya. "Sure ka?" tanong niya. "Sarap neto oh! Manong pahingi pa po ah." ani niya at para bang iniinggit pa ako sa pagkain niya.






"Try mo lang..Ah," balak pa niya akong subuan ng kwek-kwek pero kinuha ko iyong stick at ako na ang kumain nun. "Kaya ko naman e." sabi ko habang puno ang bibig. "Huh? Oh." sabay abot niya ng tissue sa'kin.






Sinabi kong hindi ako gutom pero nakailang tusok din ako ng kwek-kwek, fish ball at kikiam. Ewan ko ba pero kapag kasama ko 'tong si Jaze, pakiramdam ko pwede kong ipakita sa kanya kung ano talaga ako. Yung pagiging mahina ko, pagiging iiyakin at pago-overthink sa mga bagay-bagay.






"Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako at pilit na ngumiti. "Ayos lang 'yon. Ginawa mo naman ang best mo e. Atleast na-experience mo 'di ba? Dapat kasi sa'kin ka nagpaturo e." pabiro niya. Hinampas ko naman siya sa balikat.






"Nakakahiya nga e. Nagpatulong pa ako tapos hindi rin nanalo." sabi ko at nauna nang maglakad. Nagulat ako nang makasunod agad siya sa'kin, ang haba kasi ng legs nito e.






Bigla na lang niyang nilagyan ng earphones ang tenga ko. Napatingin ako sa kanyang naka-kunot ang noo. "Pinapakinggan ko 'to kapag malungkot ako. Baka sakaling makatulong." sabi niya at pinlay na ang music sa phone niya.






"Ang hilig mo talagang mag-walk trip 'no?" tanong niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. "Mas nakakapagisip-isip ako pag naglalakad e." tugon ko sa kanya.







"Ang ganda oh," sabi niya kaya napatingin ako kung saan nakatuon ang atensyon niya. Gabi na pala, at iyong buwan at mga tala ang tinutukoy niya. "Oo nga. Ang ganda." nakangiti ako habang pinagmamasdan ang langit.






"Aray!" Bigla na lang mag nakabangga sa'kin. Kaya napatumba ako sa gawi ni Jaze. Nasalo niya ako pero para bang takot na takot siya hawakan ako. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Kita ko sa mga mata niya na parang takot siya. Bakit ganoon?






"Hoy!" sigaw niya sa mga nagtatakbuhan pagkatapos mabalik sa wisyo. Umayos ako ng tayo pagkatapos noon. "Sorry." sabi ko sa kanya. "Ayos lang 'yun. Ano ka ba." ngiti niya sa'kin. Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.





"Dito na ako." sabi ko nang makarating kami sa intersection. Sa kanan pauwi sa subdivision namin at kabila naman ang sa kanila.






"Huh? Mag-ice cream muna tayo. Gusto ko pa mag dessert e." ani Jaze at marahan akong hinila papasok sa subdivision namin. May park kasi doon at may manong na nagtitinda ng sorbetes.






"Wala ka bang kabusugan? Teka nga. Ite-text ko muna si Tita," sabi ko at kukunin na sana ang cellphone ngunit pinigilan niya ako. "Na-text ko na si Tita, ang sabi ko baka gabihin tayo. Okay lang naman daw, basta daw maiuuwi kita bago mag 8," sabi niya ikinagulat ko.





"Kailan mo nakuha ang number ni Tita?" nagtataka kong tanong habang inaabot niya sa'kin ang ice cream na nabili.






"Wala ka na dun," bahagyang tumawa pa siya.







Tahimik kaming naupo sa swing habang pinagmamasdan ang langit. Malamig na rin ang simoy ng hangin dahil ber months na. Hindi rin gaano karami ang mga batang naglalaro dahil gabi na rin.








"Ano mas gusto mo, umaga o gabi?" tanong ni Jaze na parang bata. "Umm..gabi, kasi nakikita ko yung mga bituin tsaka yung buwan. Nakaka-relax kaya silang panoorin lalo na kapag nagniningning sila." sagot ko.








"Ako din. Tahimik kasi kapag gabi tapos parang oras na yun para makapagpahinga kasi napagod ka sa buong magdamag e." sagot niya sa'kin.








"Ayos lang. Hindi ko naman tinatanong," tumawa ako ng bahagya. Naalala ko na ginamit din niyang iyong litanya sa'kin. Buti na lang nakabawi ako ngayon hahaha!








Matalim lang siyang nakatingin sa'kin na para bang naisahan ko siya. "Ano ba 'yan! Line ko yun e," sabi niya na parang batang naagawan ng candy. Minsan talaga napapaisip ako sa kung sino ang mas matanda sa'min e.









"Pero seryoso okay ka na ba? Andito lang ako ah. Hindi mo naman kailangan ikuwento ng detalye sa'kin basta kahit mag-rant ka lang." sabi niya na ikinangiti ko.








"Salamat, ah. Pansin ko lagi kang nandyan kapag may problema ako. May balat ka siguro sa pwet." natawa kong sinabi. Napatingin siya sa'kin at nanlaki ang mata. "Inaano ka ng pwet ko, Adrianna Brielle?!" inis niyang tanong.








"Paano ba kasi maging masaya? Ikaw palagi kang nakatawa, parang walang pinoproblema paano ba 'yun?" kuryoso kong tanong.







"Hay nako kung alam ko lang," natawa siya sa sinabi ko. "Hindi naman kasi lahat nang nakikita sa labas ay totoo. May mga bagay na mas pipiliin ng iba na itago na lang nila."






Oo nga naman. Si Jaze ba iyong tipong tao na ganoon? Ayaw niya ipakita ang problema niya at nagpapanggap siya na okay lang sa kanya ang lahat.







"Eto seryoso ah. Hindi man halata pero andito lang ako para pakinggan ka. Ang gaan gaan na kaya ng loob ko sa'yo, e diba friends na rin naman tayo?" tanong ko sa kanya. Pansin kong umiwas siya ng tingin. "Oo naman. Friends." ngiti niya.






"Tara na. Baka hinahanap ka na." sabi niya at naunang nang umalis sa swing. "Sandali!" sigaw ko at hinabol siya.








"Dito na ako. Sige goodnight! Ingat ah." sabi ko sa kanya at kumaway. "Hindi mo man lang ako papapasukin?" tanong niya. "Huwag na. Next time na." baka asarin pa tayo e.








"Okay, sige. Bye!" sabi niya habang kinakamot ang ulo. "Mauna ka na sa loob. Aalis na ako kapag nakapasok ka na." at ganun na nga ang ginawa ko.







Pumasok na ako sa loob ng bahay at nadatnan si Tita Debi na nakasilip sa bintana kasama si Ali. Nagkunwari pa silang walang nakita.








"Drei. Andyan ka na pala." bati sa'kin ni Tita at niyakap ako. "I heard what happened. I'm sorry, darling. I still know you did your best." ani Tita Debi. I hugged her back. She's the best.





"So what's the score, Ate?" tanong ni Ali sa'kin.





"Anong score score ka dyan?" tanong ko sa kanya.





"Sa inyo ni Kuya Jaze?"




"We're just friends," inis kong sabi. Bakit ba ang hilig mang-asar ng mga tao?




"Ah. Friends," sabay na sabi ni Tita Debi at Ali.




Kinabukasan ay Sabado kaya tinanghali na ako ng gising. Inuna ko muna i-check ang phone ko.




Jazell Ross Dizon: Hi, friend! Good morning :)




Adrianna Brielle Enciso: Morning.




Jazell Ross Dizon: Friend, sana almusal na lang ako.




Adrianna Brielle Enciso: Anong pinagsasabi mo diyan?




Jazell Ross Dizon: Para lagi mo akong hinahanap sa umaga.



Adrianna Brielle Enciso: Tanghali ako nagigising, Jazell.

Under The StarsWhere stories live. Discover now