01

87 2 0
                                    

"Adrianna! Sama ka sa'min, nood tayo ng dance contest sa gym dali."




Ilang buwan na ang nakalipas magmula nung nagsimula akong mag-aral dito sa Manila. Mabuti na lang at mababait ang mga classmate ko kaya nakasundo ko din sila kahit papaano.




Intramurals namin ngayon kaya kaliwa't kanan ang mga contest at laro. "Hala diba kailangan ng ticket doon? Hindi ako nakabili e, kayo na lang." nginitian ko sila.




"Ano ka ba, binilihan ka namin oh." sabay wagayway ni Jhaz sa mga tickets.






"Tara!" Hinila na agad ako ni Jane para makaakyat na kami sa gym.





"Alam mo, ilang buwan na tayong mag classmates pero hindi ko pa din alam ang nickname mo, Ria ba o Anna?" tanong ni Jhaz habang paakyat kami.





"Baka naman yung Brielle ang nickname niya?" singit ni Jane.





"Adi ang nick-"




"Aray!"





"Hala! Sorry po!" Sa sobrang busy namin sa pagchichikahan, ay may natapakan pa ata ako. Saktong pagtapak ko kasi sa isa palapag ng hagdan ay narinig namin ang pag 'aray' niya.



Kinabahan ako bigla kasi baka napaano siya dahil sa'kin, e mukhang basketball player pa naman. "Sorry talaga kuya." sabi ko.




"Hindi..Hindi ikaw yun, pinulikat lang ako." natatawa niyang sabi.




Teka mukhang napahiya pa ako doon ah. Tinawanan niya din tuloy ako. Bakit ba kasi napaka-assumera mo Adi?




"Yieeee!"



"Uyyyy!"




Sabay na nang-asar ang mga kasama ko at ang kasama niya. Mukhang nagkasundo pala sila agad sa pang-aasar sa'ming dalawa.




"Teka-" tawag niya sa'kin.






"Tara na nga!" sabi ko at hinila na sina Jhaz at Jane.





"Ang taray ha, parang yung mga nababasa ko lang sa libro." hindi pa din tapos mang-asar si Jhaz sa'kin.




Naghanap na agad kami ng mauupuan para makita ng maayos ang mga map-perform mamaya. Maya-maya lang ay nagsimula na ang contest kaya panay hiyawan at palakpakan ang bawat estudyante para i-cheer ang mga kakilala nila.




"Ang galing ni ate Chelsea! Ayan ang president ng dance club e." Kwento ni Jane sa'kin habang nakatuon sa mga nagp-perform.





"Oo nga, ang galing niya." Ngiti ko naman. Sa bawat pagpitik ng katawan niya ay sinasabayan niya ng emosyon kaya nakaka-aliw tignan kasi mukha talaga siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya.




"Congratulations, section 2!"




Inanunsyo na ang panalo, kaya rinig nanaman ang hiyawan at palakpakan ng mga estudyante. Iyong ate Chelsea na kinukwento ni Jane ang nanalo sa dance contest.




"Nagugutom na 'ko!" anunsyo ni Jane kaya hinila na niya kami paalis ng gym.




"Sa cafeteria ba tayo? Libutin muna natin yung mga stalls sa grounds." pag-aaya ko sa kanila.





Under The StarsWhere stories live. Discover now