07

32 3 4
                                    

"Anong oras ka na pala nakauwi?"





Si Tita Debi ang bumungad sa'kin pagkababa ko para mag almusal. Nakasuot siya ng na pink apron, panigurado siya ulit ang handa ng almusal namin. Pareho talaga sila ni Mama na mahilig magluto.





"Alas-siyete po, Tita. Napatagal yung usapan namin ni Tita Jeanette." ngiti ko at naupo na sa hapag.





"Jeanette? As in Mrs. Dizon, Jeanette?" tanong ni Tita habang nilalapag ang bacon at waffle sa lamesa.




"Good morning! Ano meron kay Mrs. Dizon?" bungad ni Ali at hinalikan muna sa pisngi si Tita bago naupo.




"Yes, Tita. Yung Mama po ni Jaze." sabi ko at sumisimsim ng orange juice.




Matapos ang chikahan namin sa almusal at dumiretso na kami sa sasakyan. Hindi na daw kami mahahatid ni Tita dahil may meeting daw sila, kaya si Mang Lito na lang ang maghahatid sa'min ni Ali.




"Good morning po, Ms. Francisco." bati ko sa teacher ko nang makasalubong siya sa hagdanan.





"Good morning din. Nga pala, Brielle, ikaw ang representative sa Quiz Bee ah. Next week na 'yon."





"Quiz Bee po? Hala, bakit ako po?" nagtataka kong tanong. Mas madami naman ang magaling sa'kin e.




"Ikaw ang nakakuha ng mataas na score nung nag-elimination tayo. Kaya mo yan, aralin mo lang yung past lessons natin," ani Ms. Francisco at tinapik pa ako sa balikat bago umalis.




"Kapag naka-tsamba ka nga naman oh." bulong ko. Hinulaan ko lang iyon dahil hindi naman ako magaling sa physics.




Pagkapasok ng room ay ibinalita ko ka agad kina Jhaz at Jane ang sinabi ni Ms. Francisco.



"Galing mo talaga girl!" pumalakpak pa si Jane.



"Nako dapat mag review ka na. Next week na iyon ah." paalala ni Jhaz.



"E paano? halos wala nga akong maintindihan doon e." nakasimangot kong sabi.




Nang mag lunch time na ay pumwesto muli kami sa usual spot namin. Tingin ko nga ay may kanya-kanya nang pwesto ang bawat magkakaibigan dito e.




"Hi Adi, ano 'yang binabasa mo?" bati ni Nico at naupo sa tabi ko.





"Isasali kasi—"





"Ayos ah, aral na aral!" si Jaze, pinagsiksikan pa niya ang sarili niya sa pagitan namin ni Nico. Ni hindi man lang ako pinatapos na sagutin yung tanong ni Nico.






"Isinasali ako ng teacher namin sa Physics Quiz Bee. Na-tsambahan ko lang yung elimination kaya hirap akong intindihin ngayon." baling ko kay Nico. Tumango-tango naman siya. Samantalang si Jaze ay pabalik-balik ang tingin sa'ming dalawa.





"Hoy! Huwag ninyong guluhin si Adi, nag-aaral yan." tinapik ni Jhaz ang balikat ni Jaze.






"Gusto mo ba ng tulong, Adi?" offer ni Nico. Tatanggapin ko na sana para mas madali kong maintindihan dahil syempre naaral na nila 'to dati.






"Ako! Ako! Tulungan kita diyan." sabi ni Jaze habang tinataas pa ang kamay. Parang bata talaga.




"Jaze, si Nico na lang. May meeting tayong mga club officers this week diba?" paalala ni Jane.





Under The StarsМесто, где живут истории. Откройте их для себя