18

28 2 0
                                    

"Drei, gising na. Maaga ka ngayon diba?"






Panay katok si Tita Debi sa pintuan ko. Nakalimutan ko pa ata mag-alarm, buti na lang ginising niya ako.






"Gising na po ako. Ligo lang ako, Tita," sambit ko habang kinukuha ang bath robe na nakasabit sa may pintuan ko.






Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng PE Uniform namin. White shirt siya na may logo ng school at navy blue jogging pants. Nagbaon na din ako ng extrang damit dahil may water activities daw kami mamaya.






"Adi, sigurado ka bang lahat na ng kailangan mo ay nandiyan?" tanong ni Manang nang bisitahin ako sa kwarto.






"Opo, Manang. Si Ali po ba gising na? Baka ma-late kami," ani ko habang chine-check one last time ang mga dadalhin ko. Pagkain, powerbank, airpods, hoodie, neck pillow at extra clothes. Ano pa bang kulang?







"Nako! Ang aga nagising ng kapatid mo. Excited ata 'yon e'," natatawang sabi ni Manang.







"Dala ko na yung film cam!" sigaw ni Ali nang silipin ako sa kwarto. Ayun, yung film camera!






Bumaba na agad kami nang masabing ready na. "Andiyan na yung sandwhich na ginawa ko para sa inyo ah. Kainin niyo habang papunta sa school."






"Salamat po, Manang!" niyakap ko siya. Ganun din ang ginawa ni Ali.






"Girls, let's go."







Sumunod na kami kay Tita Debi. Hindi ko nga alam kung bakit nagpupumilit siya na ihatid kami. Okay lang naman daw kay Mang Rey. Napaaga pa tuloy ang gising ni Tita.






"Mag-iingat kayo doon a'. Huwag masyado magkulit baka maaksidente habang nagwa-water activities okay? Drei, if you have your free time update mo 'ko."






"Opo, Tita. Huwag kayong mag-alala, ako na po bahala kay Ali," ngiti ko sa kanya at humalik na sa pisngi.







"Hi, Tita!" masiglang bati ni Jaze. Nasa gate kasi siya nakaabang at may dala-dala pang iced coffee.






"Hello, Jazell. Paki-alagaan na lang ang mga anak ko ha?" ani Tita Debi at marahang pinalo ang balikat ni Jaze. "Sure po, Tita."






Pumunta na kami sa school grounds dahil ich-check pa daw muna ang temperature at attendance namin bago makarating sa bus.







"Adi!" kumaway si Jane na nakapila na doon sa harapan. Pumunta naman ako sa kanya. Pumila na rin sa likod ko si Jhazmin na mukhang kararating lang din.





"Ate nasa iyo ba yung sandwhich na gawa ni Manang?" tanong ni Ali pagkalapit niya sa'kin.






"Ah, oo," tugon ko sa kapatid at binigay sa kanya ang sandwhich na nasa bulsa ng bag ko.








"Adi, nakalimutan kong ibigay yung iced coffee mo. Hinila na kasi ako nang mga kaklase ko kanina e," si Jazel na lumapit rin sa'kin sa pila.








"Students, pumila kayo ng maayos. Kung sino ang magkakasama sa pila, kayo rin ang magkakatabi sa bus. Don't forget to sign on your class' paper for attendance," ani Ms. Dimapasoc.








"Yes! Magkakatabi tayo!" pumalakpak pa si Jane pagkatapos marinig ang sinabi.







"Salamat, nag-abala ka pa. Buti hindi ka na-late?" pagtatanong ko sa kanya. "Mas nauna pa nga ako sa'yo, Adrianna," natatawa niyang sabi.






Under The StarsWhere stories live. Discover now