31

22 2 0
                                    

"Leukemia, anak. Stage 3."





Habang nagpapahinga si Jaze sa kuwarto niya, ay idinetalye ni Tita Jeanette ang mga pangyayari sa'kin. Ayaw niya pa kasi magpadala sa hospital, dahil kaya pa naman daw niya. Sobra-sobra na ang pag-aalala namin, lalo na si Tita dahil anak niya ang nakakaranas ng kahirapan.






"I'm sorry, Tita. H-hindi ko po alam," Iyon lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko. "Naiintindihan ko, Adi. Ayaw rin talaga pasabi ni Ross, ayaw ka niyang mag-alala."






Ang sakit. Ako yung girlfriend pero hindi ko alam na gano'n na pala ang pinagdadaanan niya. Ako yung palaging nagrereklamo kung gaano kahirap yung buhay, pero mas malala pala ang pinagdaraanan niya. Sa tuwing kailangan ko siya, andyan siya ka ka agad. Hindi ko man lang naisip kung kailan ba niya ako kailangan.







"Mahal? Anong kailangan mo?" pagkapasok ko sa kwarto niya ay nakaupo na siya sa kama. Kakagising lang niya siguro. "I'm sorry, Adi," sabi niya at bumuhos na ang luha.






Nilapitan ko siya at niyakap. "I'm sorry rin, mahal. Dapat nandoon ako sa tuwing kailangan mo ako, pero wala ako."






"Ayaw lang kitang mag-alala," sagot niya habang hawak ang pisngi. Sinusuklay ko naman ang buhok niya. "I love you."






"Mahal kita, araw-araw," hinalikan niya ang noo ko.







Sinusubukan kong pilitin siya na pumunta na sa hospital pero ang sabi niya gusto niya daw dito na lang muna sa bahay nila. Pinasahan siya nina Lloyd nang mga kailangan gawain at ipasa para makahabol siya. Sabi ko magpahinga na muna pero kaya naman niya daw. Ang kulit.







"Love, oh," nagluto ako ng arroz caldo at hinainan ko siya. Mabuti na lang at weekend ngayon kaya hindi ako abala sa school. Maalagaan ko siya.







"Grabe. Puwede na mag-asawa. Nagpaparamdam ka na ba, love?" nakuha niya pang magbiro. "Sira, kumain ka na oh."







Ngumuso siya at tinuro ang kutsara. Nagpahiwatig ata na subuan ko pa raw. Sinunod ko na lang ang gusto niya at abot tenga naman ang ngiti niya.







"Uuwi muna ako, love. Babalik rin ako ka agad," sambit ko kay Jaze. Mula kagabi pa kasi ako nandito. Wala rin akong damit na dala kaya napag-isipan kong umuwi muna para makapagpalit.







Dumiretso na ako sa bahay mula kina Jaze. Sinalubong ako ni Ali na halos hindi rin makatulog kagabi magmula nung nasabi ko sa kanila.






"Drei?" kumatok si Tita sa pintuan ko. Mukhang napatagal na ang pag-aayos ko. Nakabukas naman iyon, kaya pinihit na lang ni Tita ang door knob. "Drei.."






Isang sabi lang ni Tita, bumuhos na agad ang luha ko. Bigla na lang ako sumabog nang maramdaman ko kung gaano siya nag-aalala sa'kin. Mula sa pagkakaupo ko sa vanity ay pinaupo niya ako kama, para matabihan ako.







"Tita..wala akong ka alam-alam. Dapat nandoon ako nung nahihirapan siya. Dapat ako yung nag-aalaga sa kanya sa tuwing hindi na niya kaya." Hindi ko pa rin talaga maiwasan na sisihin yung sarili ko. Pakiramdam ko sobrang naging unfair ako sa kanya. Pakiramdam ko hindi ako naging mabuting girlfriend.







"You do not have to be sorry just because you didn't know a thing, Drei. Huwag kang mag-focus sa nakaraan, pahalagahan mo ang ngayon. Kung pakiramdam mo nagkulang ka, bumawi ka. Kung hindi mo siya naalagan noon, pahalagahan mo pa siya lalo ngayon."






"You're the best, Tita," niyakap ko siya. Pinunasan niya ang luha ko at niyakap rin niya ako pabalik. "What would you do without me, Drei."






Matapos ang pag-uusap namin ay sinalubong ako ni Manang para mabigay ang mga prutas na pinabili ko kanina pagdating ko. Hassle kasi kung aalis pa ako para bumili, mas maganda yung diretso na ulit ako kina Jaze.






"Ate, nag-bake ako. Puwede niyo 'tong merienda mamaya nina kuya Jaze," inabot sa'kin ni Ali ang isang box na puno ng cookies. "Thanks, Ali. Uuwi rin ako mamaya, may pasok na bukas e'."






Naging abala ako sa pagc-cram ng mga plates na ipapasa bukas. Andito ako gumagawa sa study table sa may tabi ng kama ni Jaze. Habang siya ang tahimik lang na nanonood ng TV.






"Hay, sa wakas! Natapos din," nag-unat ako mula sa pagkakaupo. "Tapos na ka love?"





"Yes, mahal. Bakit may kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Marahan naman niyang pinalo ang space na natitirang sa kama niya. Sinunod ko ang ipinapahiwatig niya, kaya umupo sa tabi niya. "Kumusta yung kay ate Vina? Cinontact ka na ba niya?"






"Oo. Gumagawa na rin ako ng mga designs para sa next collection niya. Pinakikiusapan nga niya na mag-meet kami sa shop niya, para makita niya yung mga designs ko."







"I'm proud of you," pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko. "Naalala ko dati sabi mo natatakot ka. Natatakot ka na baka isipin nila dinadala mo lang ang pangalan ni Tita Debi. Pero tignan mo ngayon, madami kaming naniniwala sa kakayahan mo. Magaling ka, mahal."







Sobrang saya na puso ko. Pakiramdam ko ako na ang pinaka-maswerteng babae dito sa balat ng lupa. Meron akong Tita na handang tumulong, kapatid na palaging naka-suporta, nadagdagan pa si Papa na gustong makabawi sa'kin at mayroon akong boyfriend na hindi nakakalimutang paalalahanan ako kung gaano siya ka proud sa'kin.








"Thanks, mahal," niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. "Ikaw? Nabigay na ni Lloyd 'yong mga listahan ng requirements niyo diba? Gagawin mo na ba? Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin."







"Kaya ko pa, love. Sa totoo lang..ayaw ko kasing maramdaman na may sakit ako. Pakiramdam ko magiging useless ako kung hindi ako gagalaw. Kaya ko pa naman, huwag ka mag-alala sasabihin ko sa'yo kapag hindi na."







Tahimik lang kaming nanonood ng TV na dalawa. Maya-maya nag-aya siya na pumunta sa terrace ng kwarto niya. Mayroon lounge chair at lamesa doon, kaya room kami tumambay. Inalalayan ko naman siya na makaupo doon.







"Ay baby cakes, alam mo ba," sambit ni Jaze. Baby cakes ampotek. "Ano? Hindi pa?" ngumuso siya dahil pinilosopo ko siya.






"Mas namo-motivate ako gunawa ng plates, dahil noong nakaraan sabi ng prof ko ang ganda daw ng mga gawa ko," marahan niyang pinalo ang dibdib. Nagyayabang pa.







"Totoo ba 'yan? Magkano ba binayad mo sa prof mo?" natatawang tanong ko. "Love naman e'!" Tinawanan ko siya.






"Joke lang, syempre. Baka Jazell ko 'yan," pinisil ko ang pisngi niya. "Alam mo ba 'di ko pa nga bayad tuition ko e'." Nagtawanan kami.






Naisipan din naming magpatugtog at tumunganga lang. Madalas nagkakasundo kami dahil pareho kami ng music taste. Trip namin 'yung mga chill vibes lang. Nakahain lang rin ang mga cupcake na gawa ni Ali kanina.






Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko, habang nakapatong ito sa arm rest ng upuan. Tinignan ko siya at ngumisi lang siya.





"I want to hold this hands forever."

Under The StarsWhere stories live. Discover now