16

30 2 0
                                    

"Hindi ako makapili, Ate Adi. Team Nico ba o Team Jaze?"








Nagtawanan si Tita Debi at Ali. Gustong-gusto talaga nila na inaasar ako. Mabuti na lang at weekend ngayon kaya hindi ko kailangan na maharap sina Jhaz at Jane. Panigurado kahit sila ay panay din ang asar sa'kin nung mga iyon.







"Manang-mana ka talaga sa Tita mo, Drei. Noong kabataan ko 'din ay ligawin ako," sambit ni Tita. Mabuti na lang at naiopen niya ang topic na 'yon para ma-divert naman ang topic namin.









Pagkatapos naming mag-almusal sa veranda ay naisipan kong maglinis ng kwarto dahil matagal-tagal na rin bago ko iyon nagawa. Ngayon na lang kasi ako nagkaroon ng oras eh. Tinali ko muna ng maayos ang buhok ko para hindi humarang harang naglilinis. Nagpalit na rin ako ng simpleng navy blue statement shirt at white dolphin shorts, para maging kumportable ako.








Pumili muna ako ng magandang music para ganahan akong maglinis. Nagsimula akong magwalis ng kwarto pagkatapos ay nag-mop ng sahig. Habang inaayos ko ang closet ko ay maya't-maya ang notification na natatanggap ko. Tumitigil kasi ang music kapag may nag-no-notification kaya tinignan ko na iyon.







Jhazmin Cortez: Gurl, anong meron sa inyo ni Nico? May pa-flowers ka pa raw ah?







Jane Miranda: May bago akong crush sa Fine Arts!






Adrianna Brielle Enciso: Nico asked me out.






Jane Miranda: And?







Adrianna Brielle Enciso: Sabi ko pag-iisipan ko. Tapos binigay niya pa rin 'yung flowers kahit sabi ko hindi na kailangan.







Ayun ang totoo. Sa una pa lang, hindi na talaga ako papayag sa gustong mangyari ni Nico. Nang sinabi kong pag-iisipan ko, akala ko mabibigyan na siya ng ideya na malaking posibilidad nun ay hindi ako papayag. Ayun lang ang naisip kong gawin nung mga panahong iyon.








"Drei, may naghahanap sa'yo sa baba," si Tita Debi na nasa labas lang ng pinto ko. "Okay po, Tita. Susunod na po ako."








Nang walang kaayos-ayos ay bumaba ako para salabungin ang bisita. Nanlaki ang mata ko nang malaman kung sino iyon. Anong ginagawa niya rito? Hindi man lang siya nagsabi na pupunta siya ah.









"Nico? Anong meron?" tanong ko nang makababa sa hagdanan.








"Yayain sana kita lumabas ngayon," ani niya at inilahad sa'kin ang bouquet ng roses. Tipid lang akong ngumiti at tinanggap iyon dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin si Tita Debi sa'min.








Akala ko marami pa ang panahon ko para makapag-isip. Di bale,  baka gusto lang talaga niyang lumabas. Baka naman iniisip niya na hindi pa ito date dahil hindi pa naman ako um-oo.









"Hmm.. Going out on a date?" tanong ni Tita Debi na may bitbit na orange juice at spanish bread para kay Nico.









"If it's okay, Tita," ani Nico. Napatingin siya sa'kin at para bang tinatansya ang reaksiyon ko. Ibig sabihin hindi na niya mahintay ang sagot ko? Gusto niya mag-date na kami agad-agad?









Under The StarsWhere stories live. Discover now