37

30 2 0
                                    

"Anong mangyayari, Drei?"




"Tita.." halos hindi na ako makapagsalita dahil abala ako sa pag-iimpake. "Drei, talk to me."




"Tita, si Jaze po," naiiyak ako habang binabanggit ang pangalan niya.




"Tita, kailangan po ako ni Jaze ngayon," anunsiyo ko. "Mauuna na po ako umuwi. Para makapag-enjoy pa si Ali rito sa New York."





Ang pinakaunang flight pauwi ng Manila ang kinuha ko. At gaya nga ng napagkasunduan, ako na ang naunang umuwi. Sa makalawa pa si Andre at sa susunod na linggo pa sina Tita at Ali. Marami pang dapat asikasuhin pero si Andre na raw ang bahala. Laking pasalamat ko lang talaga sa kanya.





"Tita Jeanette.." Mula sa airport, dumiretso na ako sa hospital. Nadatnan ko si Tita Jeanette na mag-isang umiiyak at nakaupo sa kama ni Jaze. "Adi.." dinaluhan ko kaagad si Tita psra yakapin.





"Hindi namin siya, mahanap. Umalis lang sandali yung nurse para i-check kung open na yung CT, tapos pagbalik wala na siya."





"Ako na pong bahala, Tita. Umupo muna ho kayo dito. Nurse, paki-asikaso na lang ho. Salamat," nagpaalam muna ako sandali kay Tita Jeanette.





Naglibot-libot ako sa loob ng hospital. Sa garden sa labas, emergency stairs, miski ang pagtatanong sa mga ibang staff nagawa ko na rin. Nakakita ako ng isang hagdanan, mukhang paakayat iyon sa roof top ng hospital.





"Jazell!"





Pinuntahan ko kaagad siya. Napansin kong nakatulala at para bang malalim ang iniisip. "Jaze.." tawag ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng bahagya at sarkastikong tumawa.




"Ayos, ah. Ikaw pa talaga makakahanap sa'kin. Ganda dito 'no? Kinuwento kasi nung nurse ko na minsan dito sila tumatambay kapag gustong nilang mag-isip e'," ani Jaze.





"Halika na, doon na tayo sa kwarto mo," sambit ko at aalalayan na sana siyang bumaba ngunit nagpumiglas siya.




"Okay, sige. Hihintayin kita hanggang sa kailan mo gustong bumaba," pinag-krus ko braso ko at tumayo lang sa gilid niya.




Sinandal niya ang mga braso sa railings nh rooftop at yumuko. Nakahukipkip lang ako habang pinagmamasdan siya.




"Bakit ako?" tanong niya. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya.




"Bakit kailangang ako pa?" napaluhod na siya sa sobrang iyak kaya dinaluhan ko siya. Miski ang mga luha ko ay parang gripo na hindi mapigil ang pagbuhos. "I'm sorry.." ayon lamang ang tanging nasabi ko sa kanya.





"Please let me live! Sino na lang mag-aalaga kay Mama? Inaabot ko pa lang 'yong mga pangarap ko..A-ayaw ko pa-pang mamatay," umiyak siya sa mga bisig ko. Panay ang pagpapatahan ko sa kanya kahit ako mismo panay ang pag-iyak.






Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kahina. Nakakapanlumo. Sobrang sakit sa parte ko na wala akong magawa. Pero mas masakit para sa parte ni Jaze. Hanggang ngayon, si Tita Jeanette pa rin ang inaalala niya.





"Salamat, hija," niyakap ako ni Tita Jeanette nang maibalik ko si Jaze sa kwarto. Sa ngayon, binibigyan na siya ng pangpakalma ng nurse.





Makalipas ang ilang oras, bumalik na muli si Tita Jeanette sa restaurant nila. Kinakailangan niyang ibawi ang benta para may pangbayad sa hospital. Kampante na rin naman daw dahil nandito ako.





Under The StarsWhere stories live. Discover now