39

35 2 0
                                    

"That's fine for me, Drei. Kaya lang hindi ko kayo masasamahan. Marami pa akong aasikasuhin dito, may pasok pa rin si Ali."






Nakabalik na sina Tita Debi at Ali dito sa Pilipinas. Ang unna ginawa ko ay i-kuwento ang balak namin ni Jazell na bumisita muli sa Iloilo.






"Kung ganoon po Tita, sa makalawa na ang alis namin ni Jaze," anunsyo ko.






"Kumusta na ba siya?" tanong ni Tita. Napatahimik ako at umiling. Nag-aalala niya akong tinignan at niyakap niya ako. "I'm sorry, Drei."





Binigay ko kay Tita ang leave of absence ko bilang sa kanya ako nagiinternship. Sinamahan akong muli ni Andre sa school para mag-submit rin sa mga professors namin.






"Final na ba 'yan?" tanong niya sa'kin. Nakanguso pa siya, nagbabakasakaling mag-iba pa ang isip ko.





"Hindi ko riguardo kung hanggang kailan kami doon. Basta ang gusto ko lang makapagpahinga si Jaze ng maayos," tinapik ko ang balikat niya.







Hinatid niya akong muli papunta sa hospital. Nagbabakasakaling dumating na raw si Doc Perez. Habana papunta kami sa hospital, ikinukwento Nina kung paano sila nagkabanggaan ni Doc Perez. Iniisip ni Andre na magiging ganoon rin daw ang love story nila, katulad nang sa amin ni Jaze.






[Hello, love? Papunta ka na dito diba?] si Jaze na nasa kabilang linya.






"Yes, mahal. Ihahatid ako ni Andre."






[Ayon, sakto. Pasabi kay Andre nandito na raw si Doc Perez sabi ni nurse Eya sa'kin.]






Naka-connect ang phone ko sa bluetooth ng sasakyan dahil alo ang nagpapatugtog. Si Andre naman,  tuwang-tuwa nang marining iyon.






"Kayong love birds huh. Napakasupportive sa love life ko," natatawang sambit ni Andre.





"Hays. Kami lang to," tugon ko sa kanya na natawa rin.







Nang maakrating kami sa hospital ay saktong papalabas pa lang rin si Tita Jeanette. Mukhang papunta pa lang siya sa restaurant nila. Pinauna ko na muna si Andre sa kwarto ni Jaze para mabantayan siya.






"Adi, anak." tawag ni Tita Jeanette. Ningitian ko siya at pinaupo dito sa may lobby.









"Nasabi na sa'kin ni Ross ang plano niyo," sambit ni Tita. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula siyang umiyak. Nagpanic ako at ang tanging nagawa ko lang ay ang yakapin siya.






"I'm sorry po, Tita. Kung hindi naman po kayo payag, pwede ko naman pong kausapin si Jaze."








"Hindi, hija. Ayos lang sa akin ang plano ninyo. Gusto ko lang magpasalamat na hanggang duo ang kapakanan pa rin ng anak ko ang iniisip mo. Hindi ko akalain na makakatagpo siya ng katulad mo. Alam mo, Adi. Hindi lang siya ang swerte sa'yo, pati na rin ako."








Naiyak naman aso sa sinabi ni Tita Jeanette. "Sobrang swerte ko na katulad ni Jaze, pinapahalagahan niyo rin po ako Tita."








Kumalas siya sa yakap at tinignan ako. Ngumiti siya sa'kin bago nagsalita. "He's good to you right? Sigurado naman kong sweet siya sa'yo. Ang sabi niya kasa pahahalagahan raw siya ang babaeng mahal katulad ng pagpapahalaga niya a'kin.  Kaya nga sinagot mo ang anak ko e'. Ang ganda talaga ng taste mo, Adi!"








Under The StarsWhere stories live. Discover now