29

19 3 0
                                    

"We'll start with the basics. I'm going to discuss the different things that you should know regarding fashion designing."






Parang Auditorium ang classroom namin dito. Marami-rami rin kaming Fashion Design ang kinuha. Pinili kong maupo sa bandang gitna, para hindi masyadong expose sa teacher at hindi rin masyadong napag-iinitan.





Tahimik lang ako nakikinig at nagsusulat ng notes, mas natuto kasi ako sa ganun e'. Pansin ko ang iba tina-type iyon sa laptop nila at ang iba nakikinig lang talaga. Nang matapos ang introductory lecture ay pumasok naman ang mga student council sa classroom namin.






"Good morning, freshies! Mayroong tour mamaya na pinrepare ang council para mas maging familiar kayo sa campus. We are inviting everyone para mas makilala niyo rin ang isa't isa," sabi nung President ng Council namin sa Fashion Design.





"Umm..Adrianna Enciso, right?" tanong ng Vice President sa'kin habang namimigay sila ng welcoming gift. "Ah, opo."








"You really look like, Ms. Valencia," ngumiti siya sa'kin. Pamilyar nga talaga sila kay Tita dito. "I'm Andre Miranda, naging student niya dati," sambit nito at inabot ang kamay sa'kin kaya tinanggap ko 'yon. "You can just call me, Adi."








Dati kasi nung hindi pa masyadong busy si Tita ay nagpa-part time siyang magturo dito, pero nung mas lumago ang studio ay doon na lang talaga siya nag-focus.








["So how's your first day?"] tanong ni Tita Debi sa telepono.








"It really went well, Tita," tugon ko.











["So uhh, Drei. Tumawag yung Papa mo. He insisted on having a dinner at our house, to celebrate your first day as a freshman."]








"Uhh sure, Tita. Tingin ko rin makakapagluto ako mamaya."








At dahil first day lang naman ngayong raw, nakauwi ako ng maaga para makapag-prepare para sa dinner namin. Maya-maya dumating na rin si Ali at tinulungan ako sa pagluluto. Si Manang naman, nakabantay lang a'min at tinutulungan rin kami.








"Ali, pakiabot naman ng bell pepper," nilingon ko ang kapatid dahil ang tagal Ninang cabot yang pinapakuha ko.








"Ali..ayos ka lang?" tang ko sa kanya dahil napansin kong nakatulala lang siya. Nung kinalabit ko siya ay tsaka lang siya natauhan.








"Ano 'yun, ate?" tanong niya. Ngumuso na lang ako doon sa pinapaabot ko at inabot naman na niya.








Naging abala kami sa pagluluto hanggang sa pagpe-prepare ng lamesa. Tinulungan rin kami ni Manang dahil nag-arrange siya ng flowers at nilagay iyon sa vase na nasa gitna ng lamesa. Maya-maya dumating na rin si Papa at sabay sila ni Tita Debi. Sinalubong namin sila ni Ali para batik at yakapin.








"Wow. Kayo nag-prepare nito?" tanong ni Papa habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakahain. Ngumiti si Tita Debi sa'min. "Ah, opo. Nakasanayan lang," tugon ko.








"Madalas na nagiging bonding nila iyan," sambit ni Tita Debi. Napatingin muli ako kay Ali na nakatulala lang at hindi ginagalaw ang pagkain.








"Ali.." bulong ko sa kapatid. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napabalik ulit siya sa wisyo. "Busog pa kasi ako e'," tugon niya. Tumango na lang muna ako at ngumiti sa kanya.







Under The StarsWhere stories live. Discover now