12

26 2 0
                                    

"In celebration of our Foundation Day, the Senior High School will be preparing a dance. Mind you, this is a contest for the whole High School Community."






Simula na ng linggo ng Foundation Day namin. Inannounce naman ng MAPEH Teacher namin na ballroom nga daw ang gagawin. Seriously?





"Sir kami-kami po ba ang pipili ng partner namin?" tanong ni Jane.






"Yes, you can choose your own partner. Ang mga walang mahanap, just approach me. I can talk with the Grade 12 MAPEH Teacher." ani Mr. Lazaro.







Pagka-alis ni Sir ay nag-ingay na agad ang classroom dahil kanya-kanyang silang naghahanap ng partner.







"Walang makikipag-partner kay Adi, ah! May ka-partner na 'yan sa Grade 12," sigaw ni Jane. Nanlaki ang mata ko at naisip na huli na kung tatakpan ko pa ang bibig niya. "Ang ingay mo!" sigaw ko kay Jane at tinawanan lang nila ako ni Jhaz.







"Sayang daw Adi, oh!" sigaw ng isa kong classmate sa likod. Hinayaan ko na lang sila.







Sineryoso nga ng iba kong kaklase dahil walang lumapit sa'kin para makipag-partner. Magv-volunteer na lang sana ako na gumawa ng props ngunit biglang pumasok ang MAPEH Teacher ng Grade 12 at dala-dala ang isang lalaki.








Nakasuot siya ng white shirt at gray jogger pants. Sa buong week kasi hindi kami naka-uniform at pupwedeng mag suot ng ibang damit basta dapat ay appropriate pa rin para kumportable sa pagpa-practice.







"Sino wala pang partner?" tanong ni Ms. Antazo. Lahat naman ng mga kaklase ko ay nakaturo sa'kin. "Ako na lang ba?" tanong ko.








"Great. You can be with Mr. Dizon, then."






"Yiieee!"







Inunahan na ni Jane at Jhaz ang pangangatyaw. Lumapit naman si Jaze ng nakayuko habang hawak ang batok niya.







"Your class should come up with a choreography. Pagsasamahin natin ang mabubuo ng Senior High," ani niya at umalis na ka agad.







"Uhh sorry," ani Jaze. Naging busy na ang mga kaklase ko sa pag-iisip ng choreo kaya nakapag-usap kami ng walang nang-aasar.






"Huh?" kunot noo kong tanong. Hindi naman niya ako natapakan o ano.







"Inaasar ka nila dahil sa ginawa ko nung nakaraan. Dapat tinanong muna kita kung okay lang sayo e."





"Daldal kasi e," pabiro kong sabi. Hinimas niya muli ang batok dahil sa hiya.





Ilang minuto din kaming nag-iisip ng choreo para sa section namin. Mayroon naman akong mga kaklase na nagl-lead. Nasa harapan sila nag-uusap at may mga iba namang nagdadaldalan lang at naghihintay kung tapos na sila gumawa ng choreo.





"May naisip ako," sabi ko kay Jaze at hinila siya para makatayo. Nakaupo kasi kami sa sahig dahil nasa gilid na na nakalagay ang mga upuan.





"Baka mahirap 'yan ah. 'Di ako dancer," natatawa niyang sabi.







Iginiya ko ang kamay niya papunta sa harapan. "Iikot ako ah. Saluhin mo ako ah," ani ko sa kanya. "Syempre naman! Bakit kita ipapahamak? Ano kala mo sa'kin," sabi ni Jaze.








Under The StarsWhere stories live. Discover now