04

40 2 0
                                    

"Ano sagot niyo sa number 5? Nahirapan ako doon badtrip!"





Kakatapos lang nang quiz namin sa general physics. Paglabas na paglabas ng room ay naglabas agad ng inis si Jhaz dahil sobrang nahirapan siya. Kahit ako din naman e.





"Hindi ko na maalala sagot ko. Basta sure ako bagsak ako." sabi ko. Kailangan ko pang magpractice sa pag-solve ng mga problems tungkol doon.





"Hindi naman kasi lahat naturo tapos magpapa-quiz agad. Tama ba 'yon?" reklamo ni Jane.





Dumiretso na kami sa cafeteria para kumain. Nakahanap agad kami ng upuan sa may pinakagilid.





"Mauna na kayo bumili, ako na muna magbabantay ng upuan natin." sabi ko kina Jhaz.





"Sure ka?" tanong ni Jane. Tumango naman ako. Binilisan na lang nila sa pagbili para makabalik daw sila agad.





Hindi pa rin matanggal sa isip ko na pakiramdam ko bagsak ako sa quiz. Ang hirap naman, hindi pa ako nakaka-recover sa quiz meron nanaman after lunch.





"Bakit ka andito?" tanong ko kay Jaze na kauupo lang sa tabi ko.





"Bawal ba?" sagot niya habang nilingon kung may nakaupo ba sa inuupuan niya.





"Dapat bang sagutin ng tanong ang isang tanong?" irap ko sa kanya. Ang gulo kausap, hay nako!





"Hi Adi!" bati ni Nico. "Uy!" ngiti ko naman sa kanya.





Narinig kong suminghap si Jaze. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko alam kung bakit lagi akong badtrip kapag nakikita ko 'tong isang 'to.





"Hello?" rinig kong sabi ni Jaze. Mukhang may kausap siya sa cellphone niya. "Dito po!" sigaw niya sabay kaway sa delivery rider.





"Uhh" mukhang may sasabihin yung delivery rider pero nag-aalangan siya. "Ross pogi?" sabi niya habang binabasa ang resibo.





"Ako nga po 'yun!" masiglang sabi ni Jaze. Napasapo ako sa noo ko. Narinig ko naman tunawa si Nico.





Binayaran na niya ang rider at binigyan din ng tip. Nagpasalamat si Jaze at nilapag na sa lamesa yung box ng pizza. "Oh ayan kumain ka na." sabi niya at inabot ang isang slice ng pizza sa'kin.




"Hindi, okay lang. Hinihintay ko lang sina Jhaz tapos ako na bibili ng pagkain ko." sabi ko kay Jaze.




"Huwag ka nang bumili, eto na oh." sabay turo niya sa pizza. "Adi, mas masarap ang pagkain kapag libre." singit ni Nico.





Bigla na lang sinalpak ni Jaze sa bunganga ko ang pizza kaya wala na akong nagawa. "Huwag na mahiya. Ako lang 'to." ngisi niya. Nakakahiya naman mamaya pagbayarin pa niya ako dito. Magkano ba ang isang slice?






"Hay nako! Ang haba ng pila sa caf, ang dami pang singit!" reklamo ni Jhaz. Agad na silang umupo ni Jane sa bakanteng upuan. Bale ako at si Jaze ang magkatabi, sa kaliwa ko si Jhaz na katabi si Jane at katabi naman ni Jaze si Nico.



Nagsimula na akong magreview sa Chemistry. Pagkatapos ng lunch ay may quiz nanaman ulit. Kailangan kong bumawi para gumanda naman ang araw ko, nahirapan ako sa doon sa quiz sa physics e.



Under The StarsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz