17

23 2 0
                                    

"Adi, simula noong Linggo 'di na lumabas ng kwarto ang kapatid mo."






Wednesday na ngayon ah? Ibig sabihin hindi siya pumapasok? Lagi na lang kasi akong nauuna dahil ako mal-late nanaman siya e'.






"Manang, ibig sabihin po hindi siya pumapasok?" Akala ko nagkakasalisi lang kami dito sa bahay.








"Nakiusap si Ma'am Debi sa teacher ni Ali. Pero nag-alala pa rin ako sa isa 'kong alaga," ani Manang. Niyakap ko si Manang at rinig ko ang pag buntong-hininga niya.







Kasalanan ko 'to e'. Dapat hindi na ako pumayag na makipagkita kay Papa. Dapat pinrotektahan ko si Ali, ako dapat ang gumagawa nun e.






Agad kong dinaluhan si Adi sa kwarto niya. Kumatok muna ako at naabutan siyang nagsusuklay ng buhok. Nakasuot na rin siya ng uniform at mukhang handa nang pumasok ngayon.





"Adi.."






"Pababa na ako, Ate. Mauna ka na dun," sambit niya habang inaayos ang bag niya. Hindi ako nakinig at nilapitan na lamang siya para mag-ayos ng gamit.







"I'm sorry," bigla kong sinabi na nakapagpahinto sa ginagawa niya. Tinakpan niya ang mukha at agad na lang humagulgol. Dinaluhan ko naman siya agad at niyakap.






"Shh. Andito lang si Ate, hinding-hindi kita pababayaan. Pasensiya na at hindi kita na-protektahan nung pumunta si Papa dito. Huwag ka nang matakot, kasama mo 'ko."






"Ate paano ko kunin ka niya sa'min? Sasama ka ba? Huwag kang sasama ha. Huwag mo 'kong iwan."







"Dito lang ako sa tabi mo, Ali. Kaya huwag ka nang umiyak," ani ko at pinunasan na ang luha sa na tumutulo sa pisngi niya.







Agad na kaming bumaba para makapasok sa school. 10 minutes na lang at late nanaman kami. Baka ma-discipline office na ako nito.







"Adi! Ali!" sigaw ni Jaze habang kumakaway. Nasa gate na siya ng school at katabi pa ang guard na nakapamaywang habang nakatingin sa'min.








"Tara na," sambit ni Jaze nang makalapit kami. Pinauna na niya kami maglakad dahil kinausap pa niya yung guard. Napansin ko na saktong pagkapasok namin ay isinasara na nila yung gate. Ang daming estudyante na nagmamakaawang makapasok, dahil na late sila.








"Kumusta na, Ali? Ngayon na lang kita nakita ah," si Jaze na nasa gilid ko. "Oo nga, kuya e'. Libre mo na lang ako oh," sabi naman ni Ali.







"Ako na lang ang manlilibre sa'yo, Ali," sabi ko sa kapatid. Nakakahiya naman kung kay Jazell pa siya magpapalibre.








Hinatid ko muna ang kapatid sa classroom niya. Pakiramdam ko ngayon dapat dobleng pag-aalaga pa ang ibigay ko sa kanya. Makapangyarihan si Papa, lalo pa't marami rin siyang koneksyon dito sa school kaya mahirap na.







"Kita na lang tayo mamaya a'," sabi ni Jaze kay Ali. Hindi ko alam bakit sumama pa 'to sa'kin sa paghatid sa kapatid. Ngumiti ako kay Ali at kumaway na rin.







Sabay naman kaming naglakad papunta sa classroom ko. Mabuti okay lang dito kay Jaze na samahan ako. Naalala ko kasi na bawal siyang magpagod e'.






"Huwag mo na 'kong ihatid. Diba bawal ka magpagod?" tanong ko sa kanya.







"Concern ka sa'kin?" tanong niya habang hawak ang dibdib at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Adi kung crush mo na rin ako, sabihin mo lang."





Under The StarsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin