34

24 2 0
                                    

"Nakapag-usap naman ba kayo?"





Tinatansya lang ni Ali ang mood ko habang kinakausap ako. Napagdesisyunan kong umalis na muna, hindi ko kayang marinig yung sasabihin ni Jazell. Hinayaan niya lang naman ako at hindi na hinabol.







Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa bahay. Saktong dinner na nang makauwi kami. Excited pa si Tita dahil ang sabi niya, tinulungan daw niya si Manang na mag-prepare ng pagkain.






"Come here, I cooked Kare-Kare for you guys," excited na sabi ni Tita at pumalakpak pa. Pilit kong ipinapakita na okay lang ako. Pakiramdam ko tipid na ngiti lang ang lumalabas sa labi ko.






Nagtulungan rin kami sa paghahain. Kasabay na rin namin si Manang at Mang Rey sa hapag. Ang sabi pa nga nila, maagang pa-celebration na ito para sa pagsali ko sa NYFW.






"Congratulations, anak," bati sa'kin ni Manang habang pinipisil ang kamay ko. "Thanks, Manang."





Kinabukasan, sabay na kami pumasok ni Tita Debi papuntang V Atelier. Ang kompanyang itinayo ni Tita Debi. Magta-trabaho ako para sa internship dito. At nasabi ko na rin sa kanyang kung maari, ay huwag na akong ipakilala bilang pamangkin niya. Ayaw ko kasi makaranas ng special treatment.






"Good luck on your first day, Ate!" masiglang sabi ni Ali at niyakap ako. Hinatid muna namin siya sa school bago dumiretso sa office ni Tita.
"Thank you, Ali. Study well!"







"You look great, my Drei Drei," inayos ni Tita Debi ang buhok habang sinasabi iyon. Napangiti naman ako sa kanya.




Simple lang naman ang suot ko. Isang beige na blazer at pants, at isang white bralette naman sa panloob ko. At gaya ng nakasanayan, isang white na heels na hindi katangkaran ang suot ko, panigurado marami lakaran ito ngayon para sa errands ng mga boss.





"You look gorgeous rin, Tita. As always," tugon ko sa kanya. Pabiro niyang hinawi ang buhok at nagtawanan kami. Si Tita Debi kasi parang tumatandang pa-urong, ang ganda niya pa din hanggang ngayon. Maalaga pa rin siya sa sarili kahit busy sa trabaho.






"Mauna ka na doon?" tanong niya sa'kin habang nakatingin sa compact mirror niya, nag-aayos. Isang white and black checkered na blazer ang suot ni Tita at white trousers. Pinartner niya ito sa isang black heels at isang black designer flap bag.






"Opo, Tita. See you later," paalam ko at bumaba na sa van. Dumiretso na ako sa Purchasing department. Sila kasi ang madalas na tumatanggap nang intern, dahil hindi pa naman gaanon ka-complex ang ginagawa nila.





Saktong nagkakaroon sila ng meeting, nang makarating ako sa department. Kaya isa-isa kaming nagpakilala bilang bagong intern. Dalawa lang kaming nakuha at ang kasama ko ay sa ibang designing school galing.





"Good day, I'm Rhian Domingo. Nice to meet you," pagpapakilala ng kasamahan ko. Ako naman ang sumunod. "Hi, everyone! My name is Adrianna Brielle V. Enciso, you can just call me Adi. I hope we get along."





Mabuti na lang at Valencia ang apelyido ni Tita Debi kaya hindi agad nila iyon mahahalata. Enciso pa rin ang ginagamit ko dahil natigil ang annulment ni Mama at Papa nang mamatay si Mama.






"Hi, Adi and Rhian! I'm Ms. Reena Dy, I'll be your supervisor. Come with me, I'll tour you first then I will discuss the things that you need to accomplish for this day," panimula ni Ms. Reena. Tumango ako at ngumiti, pagkatapos ay sinundan ko na siya para makapagsimula kami sa tour.





Tahimik kaming nakasunod ni Rhian habang ine-explain ni Ms. Reena kung nasaang department na kami. Sinasabi niya rin ang purpose nito para sa kompanya at kung ano-ano yung mga partikular nilang naambag. Naisingit rin niya na very hands-on daw ang CEO, mula sa pinaka maliit na detalye, pinagtutuunan niya ng pansin. Totoo nga naman, since mahal naman ni Tita Debi ang ginagawa niya, binubuhos talaga niya lahat.






"Ang ganda po ng interior ng bawat department," lumingon-lingon pa sa paligid si Rhian. "Our CEO gave us the freedom to choose what furniture we want to make us feel at home. Since halos lahat naman nang nagta-trabaho dito ay artsy."






Matapos ang office tour ay dumiretso na kami sa table namin para magsimula sa trabaho. Naatasan si Rhian na magbigay nang nga important mails sa iba't ibang department na kailangan ng signature. Ang sakin naman, through e-mail ko sila ir-reach out.





"Notify me once your done. Good luck!" ngiti sa'min ni Ms. Reena. Nag-ngitian muna kami ni Rhian bago naging busy sa kanya-kanyang trabaho.





Ilang oras rin akong naging abala, dahil sinisigurado ko na nasesend sa tamang tao ang e-mail ko. Pagkatapos noon ay nadagdagang muli nang pakiuspan ako ni Ms. Reena na i-contact ang mga suppliers namin para sa confirmation ng mga deliveries nila.







"Oh no," bulong ko sa sarili. Iyong supplier kasi para sa tela ay nag-reply sa e-mail ko na hindi sila aabot sa quota nang mga kailangan namin dahil kulang sila sa materials. Agad kong nilapitan si Ms. Reena para ipaalam sa kanya ang nangyari.






"Nako. Kailangan na ang mga tela, dahil magsisimula na sila sa paggawa ng mga clothing pieces para sa NYFW," namomroblemang sabi ni Ms. Reena. Nakaisip agad ako ng paraan. "I know someone who I think can help us, Ma'am. I'll just confirm if they can. Please give me a moment," sabi ko at cinontact ka agad si ate Vina.






["We have that, babe. Okay lang ba kung punta ka na lang dito? Busy kasi kami hindi ako makapagpapunta ng employee diyan sa inyo."]






"Sure, ate Vina! Thank you so much!" Excited kong sinabihan si Ms. Reena. "Woah! You have a connection with Vesta Studio? That's great," tugon ni Ms. Reena. "Uhh..common friend lang po," simpleng sagot ko.







Imbes na mapaaga ang pagpunta ko ngayon sa hospital, medyo naudlot pa dahil dumaan pa ako kay ate Vina, at dineliver pa pabalik sa office ang mga tela na kinuha ko sa kanya. Nagbalak akong pumunta sa hospital para sana sabihin kay Jaze yung tungkol sa NYFW.







"Uy, Adi!" bati sa'kin nina Lloyd. Mukha papunta rin sila para bisitahin si Jaze. "Hello! Tara sama na kayo sa'kin."






Sabay-sabay kaming pumunta sa kuwarto ni Jaze. Kasama ko si Lloyd, Joshua at Vin. Pinauna ko na silang pumasok sa kwarto ni Jaze. Nag-ingay agad ang bawat isa at nagkamustahan sila. Nang makita ako ni Jaze ay nawala ang ngiti sa mukha niya.







"Adi.." ganoon lang ang bati niya sa'kin. Ningitian ko lang siya. Parang napansin iyon nang mga kaibigan niya kaya tumahinik sandali. Ngunit nabawi agad nang mag-kuwento si Joshua tungkol sa terror professor nila na hinahanap na si Jazell.





Lumabas muna ako panandalian para makausap yung Nurse na nakabantay kay Jaze. Naging close na rin kami ni Nurse Eya dahil siya yung nag-eexplain sa'kin kung ano ang nangyayari kay Jaze. Kung mas lumala na ba or patuloy pa rin na ganoon ang sakit niya.





"As of now naman, his body is reacting to the medicine. Pansin ko nga lang hindi na siya ganoon ka bubbly, 'di gaya ng dati."





Nang matapos ang pakikipag-usap ko kay Nurse Eya, naisipan kong bumalik sa kwarto ni Jaze para sana tanungin kung ano ang gusto nila makakain. Papasok pa lang ako ng kuwarto ay parang naging tahimik na sila, 'di gaya nung iniwan ko silang maingay kanina.




"Baka kasi magsisi ako na nakilala ko si Adi."




Nabigla ako nang marinig iyon saktong pagpasok ko. Miski sila ay nagulat rin sa biglaan kong papasok. Hindi ako makapaniwala na galing iyon sa bibig ni Jaze. Si Jaze, ang lalaking mahal na mahal ko.




"Adrielle!" sigaw niya ngunit hindi ako lumingon.

Under The StarsWhere stories live. Discover now