26

20 2 0
                                    

"Ay alam ko 'yan e'. Gusto mo turuan kita?"









Sabado ngayon at nandito kami sa restaurant nina Jaze. Sinamahan ko siyang bantayan ito, dahil may errands daw si Tita. May meeting daw ata sa ibang investors. Kasama rin si Tita Debi e', balak nilang palawakin pa yung restaurant nila.






"Kaya ko na 'to, mag-aral ka na lang diyan," sabi ko at nagbalik sa pagbabasa ng coursepack. Magkakaraoon kami ng reporting sa Monday, kaya naghahanda rin ako ng presentation.









"Yes, ma'am!" sumaludo pa siya at umupo na sa tabi ko. "Eto na po yang order niyo,"gambiet ng waiter nila. "Thank you, pare." tugon ni Jaze a ngumiti lang aka sa waiter nila. Umorder pa rin ako ng croissant at iced coffee, nakakahiya naman kung uupo ako dito at mag-aaral lang. Baka malugi pa sila dahil sa'kin.









Napatingin ako kay Jaze na nasa tabi ko lang. Seryoso siyang nags-solve dahil may exams daw sila sa Monday. "Bakit?" tanong niya at nilingon ako. "Wala. Seryoso mo diyan," tugon ko. "Baka magulat ka kapag tumawa ako mag-isa dito," natatawa niyang sabi. Bumalik na lang ako sa paggawa ng presentation at hinayaan na siya.









Unti-unti kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman na parang may kumikiliti sa may tenga ko. Nagulat ako nang bumungad sa'kin si Jaze na abot tenga ang ngiti. Pinaglalaruan niya ang buhok ko at ipinapasok iyon sa tenga ko para makiliti ako.








"Gising na, sleeping beauty. Andiyan na sina mama," sambit niya. Inangat ko naman ang ulo ko at umalis muna sandali si Jaze para salubungin ang mama niya. Andito na rin pala si Tita Debi.









Nagbeso ako kay Tita Debi nang makita siya. Magmamano sana ako kay Tita Jeanette ngunit bigla niya along niyakap "Na-miss kita, hija. Gusto ka kasi ma-solo ni Jazell palagi e'."








"Sige po, Tita. Sa sunod magbo-bonding po tayo. Tayong dalawa lang," ngumiti ako sa kanya. "Kain na muna tayo dito, Drei. Uwian na lang natin ang kapatid mo," sambit naman ni Tita Debi.







At gaya nga nang napag-usapan, dito na kami nag-dinner ni Tita Debi. Katabi ko si Tita at kaharap ko naman si Jaze na katabi si tita Jeanette. Mayroong sisig, calamares, garlic rice at chopsuey sa lamesa. Tingin ko pang-fiesta na tong mga pagkain sa hapag namin.








"Adi, pa-check na lang pala nung presentation na ginawa ko ah. Tinapos ko na 'yon," sambit ni Jaze. Kumunot ang noo ko. "Aling presentation?" ako lang naman ang may kailangan ng presentation at hindi siya ah.









"Sarap kasi ng tulog nang bebe," kinurot niya ang pisngi ko. Ngumuso naman ako. "Thank you, the best ka talaga." Nakarinig ako ng bungisngis, napalingon ako sa babaeng nasa tabi ko.








"Sorry. Pakiramdam ko bumalik ako sa parka-teenager dahil sa inyo," umiling-iling na sabi ni Tita Debi. Tumawa naman si Tita Jeanette. "Ross, masyado kang nagpapahalata na in-love na in-love ka kay Adi.








"Mama, baliktad ho. Baka si Adi iyon," sumulyap siya sa'kin habang tinataas ang kilay niya. Natawa sina Tita Debi at Tita Jeanette. "Talaga lang ah."









Sobrang bilis nang panahon, Monday na agad. Bukod sa presentation, mayroon pa kaming laboratory experiments na kailangang gawin. Masyado naging hectic ang schedule namin ngayong Monday, kaya halos hindi namin makausap yung bawat isa.









"Adi, ayos na ba 'to?" tanong ni Jane at ipinakita sa'kin ang drawing niya sa set-up sa ng experiments. "Okay na 'yan, ayusin mo lang 'to oh," tinuro ko sa kanya 'yung dapat niyang ayusin.









"Jane, samahan mo muna ako dito ah. Iche-check ko yung experiment ko," ani Jhaz. Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng observations at nirerecord ang data. "Adi, pasabi na lang kay Miss ah, susunod agad kami." Tumango ako.








Bumalik na ako sa classroom kasama ang ibang kaklase. Naiwan sina Jane at Jhaz sa laboratory para tapusin yung experiment nila. Ako pa ang unang magrereport, kinakabahan na tuloy ako.









"Wooh! Let's go, Adi!" sigaw nang mga kaklase. Nangangatog ako habang nagsasalita sa harapan.








Mabuti naman at nasagot ko ang mga tanong ni Ms. Nang matapos na ang pagrereport ko, napansin kong lumingon si Miss sa may pintuan at sinita ang kaklase ko binuksan ang pintuan. "Galdonez, sit down. Hayaan mo 'yan sila. I will accuse them of cutting classes."







Cutting— Oh, shit! Nakalimutan kong sabihin kay Miss na nagpaiwan muna sandali sina Jane at Jhaz sa laboratory. Hala!








Nang matapos ang klase namin ay lumabas na si Miss at panigurado kinausap sina Jane at Jhaz na kanina pa naghihintay sa pintuan ng classroom. Maya-maya tahimik silang pumasok at umupo na agad sa upuan nila.







"Jhaz—"







"Mamaya na, Adi. 'Di pa tapos yung worksheets ko," sabi ni Jhaz. Dinaanan lang rin ako ni Jane. Pakiramdam ko nag-iba ang ihip ng hangin. Parang may hindi tama.






Hanggang lunch time hindi nila ako kinakausap. Napagdesisyunan ko na hindi na lang sumama sa kanila sa may tambayan namin at dito na lang sa classroom kumain.







Habang abala ako sa pagkatulala, biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ang caller ID na si Jaze 'yon, sinagot ko ka agad.





[Adi..]





"Hmmm?"





[Sunduin kita mamaya ah. May surprise ako.]






"Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.





[Surprise nga e'. Teka, okay ka lang ba?]





"Oo naman. Bakit?" nahihimigan niya ba ang lungkot sa boses ko?





[Parang may mali..Sigurado ka ba?]





"Yes, Jaze. Sige na, kakain pa ako." Binaba ko na ang tawag niya.








Hanggang sa mag-dismissal hindi pa rin nila ako pinapansin. Sinubukan kong kausapin ulit sila. Napakahirap nito, magkakatabi pa naman kami. Tsaka sila lang halos ang kinakausap ko rito sa classroom e'.






"Jane—Something's off.." ayon lang ang lumabas sa bibig ko. "Bakit kasi hindi mo sinabi kay Miss?" tugon niya. "I'm sorry."






Patuloy pa rin nilang hindi pinansin ang paghingi ko nang tawad. Mula sa usual na sabay namin papalabas ng gate, mag-isa na lang akong naglalakad palabas.





"Bakit nakasimangot ang bebe?" tanong ni Jaze. Mabuti na lang at hinawakan niya ako sa palapulsuhan kundi hindi ko siya mapapansin. "Ayos ka lang?"






Niyakap ko siya at sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya. Pagkayakap niya sa'kin ay humagulgol agad ako. Ganoon na lang siguro ako kalungkot at nasaktan sa nangyari. Gusto kong magka-ayos agad kami nina Jhaz at Jane.







"Shh..Tahan na..Anong problema natin, mahal?" Nahihimigan ko sa boses niya ang pag-aalala. Pakiramdam ko ligtas ako palagi basta siya ang kasama ko.

Under The StarsWhere stories live. Discover now