05

37 2 0
                                    

"Ano sabi mo?"





Pati ako ay napahinto rin sa gulat. Hindi naman niya siguro seseryosohin 'yon diba? Palabiro 'to e.





"Joke lang! 'Di ka mabiro 'no? Baka ikaw may crush sa'kin diyan e." sabi ni Jaze. Nakahinga naman ako ng maluwag. Naisip ko kasi magiging awkward 'yon e. Hindi ko alam kung papaano kumilos kapag ganun.




"So ano nga kasi yung iniisip mo ha?" pangungulit niya. Bumuntong hininga muna ako bago sinabi sa kanya, "Gusto makipagkita ng tatay ko." sambit ko.




"Oh e diba magandang balita yun? Bakit parang hindi maipinta yung mukha mo?" pag-uusisisa niya. Bagay 'to maging reporter sa future.







"Wala pa akong puwang nung huli ko siya makita. 2 or 3 years old? Halos bagong panganak pa nga lang si Mama kay Ali nun e." sagot ko sa kanya.








"Baka naman gusto ka na talaga niya makita?" tanong ni Jaze. Bakit ako lang? Anak niya din si Ali 'di ba?








"Ewan ko. Teka nga, bakit mo ba ako sinamahan dito?" tanong ko sa kanya.








"Dito din ang daan ko pauwi. Uyy iniisip mo sinasabayan talaga kita ha. Crush mo 'ko no?" ring sa tono niya ang pagyayabang.






"Napaka-feeler mo talaga ano?" inis kong sabi sa kanya at tumawid na. Bigla naman niyang hinila ang backpack ko.






"Magdahan-dahan ka nga, tignan mo muna kung may sasakyan bago ka tumawid." napakamot pa siya sa ulo niya. Mabuti na lang pala at nahila niya ako, may mabilis kasi na sasakyan na paparating.




"Oh saan ba ang daan mo? Dito na ako." sabay turo ko sa daan papasok sa subdivision namin.



"Diyan din ako." sabi niya at nauna pang maglakad sa'kin. Hinabol ko naman siya.




"Dito ka rin pala nakatira?" usisa ko. Palagi lang kasi kaming nagkikita sa restaurant nila e.



"Sa kabila pa ako. Ihahatid lang kita. Tara na, baka umulan oh." sabay tingin niya sa kalangitan.


Nakarating na kami sa harap ng gate ng bahay. Tumigil siya maglakad nang tumigil din ako. Haharapin ko sana siya para magpaalam na.



"Anong oras na pala." sabi niya sabay silip muli sa kalangitan. Madilim na pala, kita na din ang mga bituin na walang kupas ang pagkinang.


Bigla na lang may busina na kotse sa harap namin. Sigurado akong kay Tita Debi iyon dahil kabisado ko ang plate number niya.


"Magandang gabi po Tita!" masiglang bati ni Jaze kay Tita Debi.



"Oh ginabi na kayo ah?" tanong ni Tita Debi habang pinapark na sa garahe ang kotse niya.





Ginabi na nga kami dahil natagalan sa paglalakad. Hindi naman kasi malapit ang school sa bahay pero tinyaga ko pa din. Hindi ko alam dito kay Jaze bakit sumama pa siya e.




"Pauwi na din po siya Tita." sabi ko at unti-unting tinutulak si Jaze para makalayas na siya sa harapan ko. Nagpupumiglas pa siya at panay ang ngiti kay Tita.




"Ingat, Jazell. Mauna na ako sa loob, Drei ah," sambit ni Tita pagkasara ng pintuan ng sasakyan niya.




"Sige na, bye! Alis!" sabi ko at kumaway sa kanya. Natatawa naman siya at kumaway na rin.



Under The StarsWhere stories live. Discover now