13

20 2 0
                                    

"Drei, ang aga mo ata nagising ngayon?"





Ako ang naghanda ng breakfast namin ngayon. Nagluto ako ng pancakes para sa'min ni Ali at waffles with bacon naman para kay Tita Debi. Sa breakfast table ko na lang siya nilagay dahil roon na nakaupo si Tita.






"Hindi po ako makatulog e. Kaya ayun ako naisipan ko na maghain na lang po, ang tagal na din nung huli na ako ang nag-prepare ng breakfast," ngiti ko kay Tita habang nagsasalin siya ng orange juice.





"I heard about what happened, is Ross okay?" tanong ni Tita.






"Opo. Kailangan lang daw magpahinga sabi ng doctor sa clinic namin. Napagod po siguro siya sa mga practices," sagot ko.






"Kaya ikaw anak, be careful ha. Huwag mong i-pressure ang sarili mo. Find time to rest."







Awarding na ngayong araw para sa Foundation Day. Ngayong araw din ay puro shows at exhibits ang ganap kaya hindi naman busy. Mabuti na lang at natapos na ang contest kaya maraming time para magliwaliw.






"Ang tagal mo naman, Ali!" sigaw ko sa kapatid. Anong oras na male-late ako niyan dahil sa kanya eh.









"Adi, mauna ka na daw sabi ng kapatid mo. Wala si Manong ngayon ha, mag-commute ka na lang," sabi ni Manang habang naghuhugas ng plato.






"Sige po, Manang. Alis na po ako ah," sambit ko sa kanya.






Naglakad ako palabas ng village at doon naghintay ng jeep papunta sa sasakyan. Nang makapara ako sa jeep ay sumakay ako ka agad. Pagkabigay ko ng bayad ay nagpasak ako ng earphones at nakinig na lang sa music. Sinubukan kong pumikit dahil dinadalaw na ako ng antok.





Nahinto ang music nang biglang may nag notification sa phone ko. Chineck ko naman iyon ka agad at nagulat sa pangalan na nabasa. Naalala ko yung sinabi ko sa kanya nung nakaraan..






Puwede naman 'yon diba? Nag-aalala ka..as a friend.





Jazell Ross Dizon: Gising na ma'am. Malapit na tayo bumaba.





Adrianna Brielle Enciso: Huh?





Jazell Ross Dizon: Tignan mo naman ako crush :(






Nag-angat ako ng tingin at nagulat na nasa tapat ko si Jaze. Ngumiti agad siya at kumaway. Nang bumaba ang katabi ko sa jeep ay lumipat ka agad siya sa tabi ko.






"Bakit ka pumasok? Hindi ba dapat magpahinga ka muna?" bungad ko sa kanya.






"Nakapagpahinga naman ako, Ali. Ako lang 'to, lakas ko kaya," sabi niya sa'kin.







Nang makababa kami sa jeep ay hinawakan niya agad ako sa palapulsuhan at marahang hinila. Nakalahad pa ang kamay niya para handang ipahinto ang sasakyan sakaling may dumaan.






"Jaze.."








Nilingon niya agad ako. "Hmm?" tanong niya. "Uwi ka na lang kaya? Baka mabinat ka niyan e," pag-aalala ko. "Adi, sabihin mo lang kung crush mo na ako." pagmamalaki niya. Inirapan ko lang siya.







"Uy!" bati ni Nico mula sa likuran namin. Ngumiti agad siya sa'kin. "Ayos ka na ba pre?" tanong niya kay Jaze. Tumango naman si Jaze. "Oo naman. Ako pa ba?"







Under The StarsOnde histórias criam vida. Descubra agora