06

40 2 0
                                    

"Oh panyo mo."





"Sa'yo na muna." ngiti niya. Inilagay ko na lang agad sa bulsa ko at naglakad na. Naramdaman ko namang sinundan niya ako.




"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.





"Pinabili ako ni Mama ng mga ingredients para sa restaurant. Tama samahan mo na lang ako." ani Jaze at marahang hinawakan ang palapulsuhan ko.



Nang makarating kami sa supermarket ay kumuha agad siya ng push cart. Nilabas na din niya ang mahabang listahan na panigurado ay bigay ng Mama niya.



"Lagi mo ba 'tong ginagawa?" tanong ko. Mahaba-haba ang listahan. Tsaka ang ganda ng penmanship ng Mama niya ha.





"Kapag nagkataon na walang pasok ako na ang nagvo-volunteer." sabi niya habang seryosong pinag-iisipan kung aling brand ng sauce ang kukunin.




"Kung ako papipiliin, mas gusto ko 'to. Maganda ang packaging e," sabi ko sa kanya.



"Sige. Pero hindi kita pinapapili e," nasilayan ko ang nakakalokong niyang ngiti. Aba! Siya na nga ang tinutulungan e. Inirapan ko siya at pumunta na sa kabila.



"Hala! Joke lang Adi, eto na nga oh bibilihin ko na," narinig ko pa din ang tawa niya. Nakakainis talaga ang isang 'yon!




"Ano ba gusto mo? Pili ka lang dyan." sabi niya habang nakapila na kami sa counter.



"Seryoso ba?" kumikinang na ata ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.




"Oo nga. Kunin mo lang tapos pumila ka na din dito." tumawa ulit siya. Sa inis ko ay kinurot ko ang braso niya. Napangiwi siya sa sakit.




"Joke lang e! 'Di ka mabiro 'no?" halos mangiyak-ngiyak niyang sabi. Natawa naman ako sa itsura niya na parang bata na hindi pinaglaro ng magulang dahil tanghaling tapat.



Bandang huli ay napilit niya akong bumili nang kahit ano na gusto ko. May nadaan kaming banana milk kanina dun sa may mga drinks kaya iyon ang kinuha ko.



"Ako na magbabayad nang sa'kin ah." ngiti ko sa kanya at nilapag na sa cart.




"Wag na. Libre ko na 'yan," ngiti niya. Nagpasalamat naman ako, aba libre na 'yun tatanggi pa ba ako?




Nang mabayaran na ang banana milk ay excited agad akong kuhanin iyon. Madalas ko kasi ito mapanood sa mga movies na kinagigiliwan namin nina Tita. Ngayon lang ako makakatikik nito e.





"Ah kuya, pakibigay na lang po dito sa batang kasama ko." ngiti niya sa bagger.




"Bata?!" pag-aalma ko. Isang taon lang ang tanda niya sa'kin. Akala mo naman lolo ko na para makapagsalita ng ganoon.




Halos makalimutan ko na ang nangyari kanina bago kami magkasalubong nitong si Jaze. Nakita niya akong umiiyak pero binigyan niya lang ako ng panyo kanina. Hindi niya tinanong kung bakit, panigurado ay nirerespeto niya ang privacy ko.




"Nagugutom na ako. Ikaw ba?" tanong niya pagkatapos namin sa counter. Naramdaman ko ding humihibal na ang tyan ko. Naalala kong hindi ko nga pala nagalaw ang pagkain kanina kasi nag walk-out pa ako.





"Tara na. Halata sa mukha mong gutom na oh," tawa ni Jaze. Sumama na lang ako sa kanya.




Napili naming kumain sa Pepper Lunch. Nag-insist si Jaze na siya na ang mag-oorder kaya naghanap na ako ng upuan namin. Maya-maya ay nakarating na siya sa lamesa dala-dala ang order namin.




Under The StarsWhere stories live. Discover now