38

34 3 0
                                    

"Kumusta, Adrianna Brielle? Nagkabalikan na ba kayo ni Jaze? Dahil kung hindi, aagawin ko na lang siya sayo."






"Ano ba, Andre? Akala ko ba yung doktor ni Jaze ang gusto mo. Aagawan mo pa ako," pabiro ko siyang sinabunutan. "Bahala ka diyan, nakuha ko na ang number ni Doc Perez."






"Alam mo hindi ka mabiro. Nasaan na yung number? Feeling ko siya na si Mr. Right ko e'," nagtawanan kami ni Andre.






Nandito na kami sa school dahil gusto kaming kausapin ng Dean. Kukumustahin daw kami at magkakaroon ng interview sa school paper dahil gusto nilang i-feature ang ginawa namin. Bibigyan rin daw kami ng recognition ng school, dahil isang karangalan daw ang ginawa naming pagbitbit ng pangalan nito.






"Thank you so much, Ms. Enciso and Mr. Villar. We're looking forward for more achievements that you can have," sambit ng Dean at nakipagkamay siya sa'min. Nagpasalamat rin ang school paper staffs na nagrequest ng interview sa'min ni Andre.





Pagkatapos ng agenda namin sa school, ay tumungo kami sa coffee shop ni Jaze para kumain. Hilig talaga namin ang pagbisita sa iba't ibang coffee shops na magaganda ang interior. Basta talaga pagdating sa mga pagdedesign nagkakasundo kami.





"Alam mo, Ali. I'm so proud of us. Sino mag-aakala na makakaabot tayo sa ganito? Ni hindi ko nga naisip na mabibigyan ako ng ganitong opportunity," ani Andre bago inumin ang sea salt latte niya. Napangiti naman ako.






"Sa galing mo 'yan? Lahat naman tayo mabibigyan ng opportunity. Kailangan lang talaga ng right timing. Tsaka super deserve mo 'to. Alam ko naman pinaghirapan natin na mapunta dito."







Nang matapos kaming magkape ay hinatid ako ni Andre sa hospital. Hindi ko alam kung nag-volunteer lang ba talaga siya dahil gusto niya ako ihatid o may iba siyang gustong makita.





"Jaze!" pagbati niya kay Jazell. Nag-apir lang naman ang dalawa. "Uy! Long time," tugon ni Jaze.





Nandito na kami sa loob ng kwarto ni Jaze pero panay ang sulyap ni Andre sa pintuan. Narinig ko ang maliit na hagikgik ni Jazell kaya napatingin ako sa kanya.






"Tol, naka-leave si Dok. Pumunta ng ibang bansa, kaya iba ang doktor na nag-aasikaso sa'kin ngayon," sabi niya kay Andre. Nanlaki ang mata ko. Alam ni Jaze ang tungkol doon?






"Ano ba 'yan! Sige aalis na ako," paalam ni Andre na halatang bigo. Natawa lang kami. "Mag-iingat ka."







Nang matapos na kumain si Jaze ng merienda ay siyang pagdating ni Nurse Eya kasama ang ibang residents na umaasikaso kay Jaze.





"We'll do a CT Scan on him, dalihin ko lang siya sa lab."





"Sure, nurse Eya," ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako at inayos ko ang kama niya. Nilinis ko na rin ang kwarto niya para pagbalik niya galing laboratory ay maaliwalas ang paligid.






Nang makarating na siya ay inalalayan ko siya para makaupo siya sa kama niya. Inayos ko rin yung kumot, para hindi siya lamigin. Nagkatinginan lang kami at nagngitian. Di ko alam, pero tingin ko parang bumabalik ulit kami sa umpisa.






"Wala ka bang gagawin o pupuntahan? Nag-abala ka pang magdala ng pagkain. Tapos ngayon naglinis ka pa," aniya habang pinagmamasdan ang paligid ng kwarto niya.






Under The StarsKde žijí příběhy. Začni objevovat