25

24 2 0
                                    

"So..how's the date?"





Saktong pagkahatid sa'kin ni Jaze sa bahay ay bumungad sa'kin si Tita Debi na nag-aabang sa pintuan.





"Hmm..Okay naman po, Tita," sasabihin ko bang kami na? Hindi naman muna siguro, bukas na lang.






"Wala ka man lang bang iku-kuwento sa'kin, Drei?" pakikiusyoso ni Tita. Yung ngiti pa niya ang parang nag-aasar. "Nagpaalam sa'kin si Ross before you guys head out for dinner. C'mon, don't be shy Drei. Tita mo ako oh."






"Naikuwento niya po sa inyo yung pakulo niya Tita?" gulat kong tanong. Nakapagpaalam na pala siya kay Tita Debi. Kaya naman pala pinipilit ako ni Tita na magkuwento ngayon.





"Tita.."





"What's that, Drei?"






"Sinagot ko na po siya," yumuko ako at namula ang pisngi. Tumawa si Tita Debi at lumapit sa'kin. "I'm happy for the both of you."







"Nasabihan ko na si Ross kung ano ang mga dapat niyang alalahanin. Nakapag-usap naman kami. I trust you, Drei. Andito lang si Tita," niyakap niya ako. I hugged her back.







Kinabukasan, pagkababa ko pa lang mula sa hagdanan ay nakangiti na silang lahat sa'kin. Nagulat pa nga ako dahil mukhang mas maaga pa nagising si Ali kaysa akin. Miski sina Manang at Manong Rey nakangiti rin habang pinagmamasdan ako.






"Mukhang blooming ka ngayon, Adi, ah," sambit ni Manang habang nilalagyan ng mango juice ang baso ko.





"Araw-araw po akong ganito, Manang. Ngayon niyo lang ho napansin?" natatawa kong tanong.






"Parang masyado mong pinaghandaan ang araw na 'to," pang-aasad ni Ali. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya pero ganito naman ako manamit araw-araw sa school.





Brown polo na short sleeves at white trousers. I paired with my nude heels at naglagay na rin ako ng accessories katulad ng necklace at hair clip.






"Sige, sabi mo e'," tugon ni Ali na natatawa pa rin. "Tama na 'yan, baka 'di na makakakain ate mo sa sobrang hiya."






Hanggang sa matapos kami kumain nakangiti pa rin sila. Papalabas na kami nina Ali, Tita Debi at Manong sa bahay nang bigla kong nakita si Jaze na nakasandal sa sasakyan niya.





"Good morning, Adi. Hello po!" todo-ngiti naman si Jaze habang binabati ang mga kasama ko.






"Oh, kanina ka pa nandiyan?" tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. "Sinabi ko sa kanila na huwag ka nang pagmadaliin, pero grabe nagsisi ata ako doon. Anong oras na oh."






Tumingin ako sa relo ko. Oh my gosh! Male-late na ako at ganoon rin siya kung ihahatid pa ako. "Tara na," ani Jaze at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan niya.






"Sorry," nahihiya kong sabi habang nagmamaneho siya. "Okay lang, sasabihin ko na lang pangalan mo sa prof ko para hindi ako mapahamak."







"Siraulo. Hindi naman ako kilala noon," hinampas ko siya. Tumawa naman siya, "Teka, Ali, nagda-drive ako oh. Kapag nabangga tayo ikaw pagbabayarin ko nito."






"Kaya mo 'yon?" paghahamon ko sa kanya. "Eto naman, hindi mabiro!"






Sakto at umabot pa ako bago nila isara yung gate. Nagpresinta pa si Jaze na ihatid ako hanggang sa gate pero sabi ko huwag na, male-late na rin siya e'.







Under The StarsWhere stories live. Discover now