PROLOGUE

262 5 0
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

                                       
***

tw: death

"Adi, anak, bagay ito sa'yo."


Andito kami ngayon sa isang ukay-ukay. Kumuha si Mama nang yellow na crop top at pinipilit na kunin ko na daw.


"Next time na lang, Ma. Ipangbili na lang po natin ng pagkain mamaya." sagot ko.



"Ma, ako na lang ang bilhan mo wag na po si ate." pagmamaldita ni Ali, ang bunso kong kapatid.


"Bibilhan ko kayo pareho. Pumili na kayo ng gusto ninyo." sabi ni Mama.


Kahit labag sa loob ko, sinunod ko na lang ang gusto ni Mama. Nakikita ko na masaya siya sa tuwing may ibibigay o bibilhin siya para sa'min.


"Kain na muna tayo, Ma. Gutom na po ako." ani Ali sabay kapit sa braso ni Mama.


"Hay nako, ang batang ito!" Natatawang sabi ni Mama.


Nakangiti naman ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Kumapit din ako sa kabilang braso ni Mama at sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa kainan dito sa munting mall na mayroon kami sa bayan.


"Umusog ka doon." saway ko sa kapatid dahil hawak-hawak ko na ang tray ng mga pagkain namin.



"Eto na." pantataray niya sa'kin. Ang batang ito, ang sarap sabunutan!



"Oh punasan niyo muna 'yong mga kutsara at tirindor." sabi ni Mama at binigyan kami ng tissue.



"Mama, mamimili po ba tayo ng mga ingredients mamaya?" tanong ko pagkatapos sumubo ng tapa.



"Oo, nak. Hindi naman natin kailangan magmadali." Ngiti ni Mama.



Nagtitinda kasi kami ng mga merienda. Mayroon kaming pwesto sa labas lang ng bahay namin. Tuwing may pasok, si Ali lang ang nakakatulong kay Mama, pero sinisikap ko naman na tumulong kapag wala akong pasok.



"Ale, ito pong lumpia wrapper." sabi ni Mama.



Andito na kami ngayon sa palengke para mamili ng mga ingredients para sa lulutuin bukas. Nakasunod lang kami ni Ali kay Mama at buhat-buhat ang mga pinamili. Ginawa pa nga kaming alalay, char.




"Asukal pa, Mama." paalala ko. Ako din kasi ang may dala-dala ng listahan.




"Ako na bibili ate, mauna na kayo dun sa mga karne. Susunod ako." hindi na hinintay ni Ali ang sagot ko at nauna nang maglakad.




"Mag-ingat ha! Bilisan mo." sigaw ko bago pa siya makalayo.




"Oh saan daw pupunta 'yon?" tanong ni Mama habang chine-check ang mga pinamalengke namin.




Under The StarsWhere stories live. Discover now