33

22 2 0
                                    

"Drei, can I ask for a favor? Baka puwedeng mag-participate ka for the new collection? It will be your debut, anak."






Habang kumakain kami nag-breakfast, ay in-open ni Tita Debi ang topic tungkol dito. Mas naging busy ako lalo dahil bukod sa hinahabol ko na makasali ulit sa Dean's List. At ngayon, OJT ko na rin, kaya mas dumami ang ginagawa ko.







"Talaga ba, Tita? I'll work on the design na po. Thank you!" sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya. Panay palakpak naman si Ali dahil excited siya habang punong-puno ang bibig ng waffle.








Matapos kumain ay nagbihis na ako ng terno na pastel blue blazer at pants. Isang white sleeveless top naman ang panloob ko at nagsuot rin ako ng hindi gaanong kataas ng heels, para kumportable pa rin.







"Ate, sama ako sa pagbisita kay Kuya mamaya ah," sabi ni Ali habang papunta na kami sa school. Si Mang Rey ang naghatid sa'min ngayon.







"Ayos. Pupunta rin daw sina Jhaz at Jane. Ang tagal na rin naming hindi nagkikita-kita e'." Panigurado matutuwa din iyon si Jaze.






Nandito ako ngayon sa room kung saan puwedeng magtahi ng damit. Mabuti na lang kahit kailan mo gusto ay magagamit mo siya. Ang tawag lang namin dito ay laboratory.






"Adrianna," tawag ng isa kong ka-block mate. Nilingon ko siya at ngumiti. "Hanap ka daw ng Dean,"







Kahit nalilito ay sumunod ako doon sa isa kong ka-block mate. Pagkapasok ko ng office ng Dean ay todo ngiti lang siya.







"Well, I guess you are really trying to prove yourself, Ms. Enciso," sabi ng Dean. Ibinigay niya sa'kin ang isang folder at kinuha ko iyon.








"I received a call from Ms. Vina Manalang, she said that our school did a great job in teaching you. She even said this portfolio of yours. Ang sabi ko nga e', why do we even have to be surprised? Deborah Enciso's blood runs in yours."







Halos maiyak ako sa sinabi ng Dean. Mabuti na lang unti-unti akong nakabawi. Nakakatuwa dahil napansin nila yung efforts ko at galing pa 'yun sa ibang tao. "With that, we are looking for your work in collaboration with Debi Enciso. We will send some of our students in New York Fashion Week. Ang Tita mo raw ang mags-sponsor."







F-Fashion..Week? New York Fashion Week?! Hindi pa naman ako ganoon kagaling para makatungtong sa ganoong pwesto.







Pakiramdam ko lumulutang ako pagkalabas ko ng office ng Dean. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pakiramdam ko kasi kahit isang linggo lang 'yun, marami akong maiiwan. Tsaka isang buwan pa lang dapat bago ang NYFW, nakalipad na kami doon para maasikaso siya kaso..si Jaze. Marami pa akong iintindihin. Baka puwedeng i-decline ko muna dahil marami pa namang Fashion Week na darating.







"Adi! Na-imbitahan ka rin diba? Sabi sa'kin ng prof. We'll go to New York together!" excited na sabi ni Andre. Pumapalakpak pa siya. Tipid ko lang siyang ni-ngitian dahil hindi pa ako sigurado sa desisyon ko. "Oo nga e'."






Inayos ko muna ang mga documents na kailangan ko para makapagsimula na ng OJT bukas sa Atelier ni Tita. Mga Transcript kf Records, Birth Certificate at kung ano-ano pa.






Sinundo ko ka agad si Ali sa dati kong school, siya na lang ang naiwan roon kasi nasa college na kaming lahat. Binuksan ko ka agad ang pintuan ng van ng makitang nakalabas na siya sa gate. Pagkapasok niya ay sakto namang tumawag si Ate Vina sa'kin.





Under The StarsWhere stories live. Discover now