10

33 2 0
                                    

"Adi! Hindi ka ba talaga nagbe-breakfast?"






Aba! Ang aga-aga si Jazell na kaagad ang nakita ko. Papasok pa lang ako sa gate ng school.







"Aga mo ah," sabi ko sa kanya. Patuloy lang ako sa paglalakad at nakasunod lang siya sa'kin.







"Hinintay talaga kita. Tara, breakfast tayo!" pag-aya sa'kin ni Jaze kaya napahinto ako sa paglalakad. "Hindi nga ako nagbe-breakfast. Tara na, male-late na tayo," sabi ko at hinila na siya hanggang makapunta kami sa school grounds.








Senior High ang nataasan sa flag ceremony ngayong umaga kay dito kami sa grounds dumiretso. Nakapila na ako sa section namin at ganun din si Jaze. Hindi ko alam kung bakit magkatabi sa pila ang section namin, pero Grade 11 ako at naman 12 naman siya.








"Hi Adi!" kaway sa'kin ni Jane nang makita ako sa pila. "Hello!" masigla kong bati. Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako. "Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti.







Nang matapos ang flag ceremony at nag-announce yung Principal namin na malapit na ang midterms namin. "After the midterms week, we'll be having our foundation week. All students are expected to participate in the activities. Thank you!"






Nagpalakpakan ang mga estudyante dahil buong linggong iyon ay walang klase. Nakalaan lang siya sa practices para sa performance ng bawat grade level.






"Magsasama daw ang grade 11 at grade 12 ah," balita ni Jhaz na nakatayo sa likuran ko. "Oh? Ano daw ipe-perform?" tanong ko naman.





"Ballroom daw." Ballroom?!






Naging busy ang week na ito para sa'kin dahil tinambakan kami nang mga assessments at performace task. Nahirapan ako sa group task, hindi kasi maiiwasan na may pabigat at hindi talaga tumutulong.







"Hi Adi! Eto na pala yung sa part ko," sabay abot ni Cheska sa'kin ng papers. Mabuti na lang may iba pa rin akong ka-group na mabilis kausap at ginagawa agad.






Nang sumunod na araw sa linggong iyon ay naging busy kami dahil sa pag-aaral para sa nalalapit na Midterms. Naging suki ako ng library at ganoon din ang mga kaibigan ko.




"Kain muna tayo. Nagugutom na ako e," ani Jhaz sabay hawak sa tiyan niya.




"Tara," sabi ko at tumayo na pagkatapos iligpit ang gamit.






Nakapila kami sa cafeteria. Nasa harapan ko si Jane at katabi ko naman si Jhaz. Si Jane ay tinatanaw na ang menu mula sa kinatatayuan namin.






"Mag kakanin kayo?" tanong niya sabay lingon sa'min. "Carbonara lang sa'kin," tugon ko. Hindi naman kasi ako gutom na gutom.





Pumwesto ulit kami sa usual na tambayan namin kapag lunch. Nasa pagitan namin ni Jane si Jhaz. Hanggang sa cafeteria ay dala-dala ko ang notebook. Hindi ko lang sigurado kung makakapag-review ba ako dahil baka magchikahan lang kaming tatlo.





"Hala ano na hanggang Tuesday lang puro aral?" bungad sa'min ni Jaze. Bigla-bigla na lang talaga siya susulpot. Saan ba 'to pinaglihi?





"Nagpapahinga lang kami saglit. Huwag mo kaming itulad sa'yo," pagtataray ni Jhaz. Natawa na lang si Jaze sa kanya.





Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa likod ni Jaze. Natahimik ako bigla dahil sa hiya. Hindi ko alam kung papaano siya
harapin matapos ang Quiz Bee.





Under The StarsWhere stories live. Discover now