32

19 1 0
                                    

"Psstt, Adi! Tapos mo na plates mo?"




Nandito ako sa library at nagmamadaling tapusin yung plates ko. Mula kasi nung umuwi ako galing kina Jaze ay nakatulog ako ka agad kaya 'di ko nagawa. Tinabihan ako ni Andre sa upuan dahil bakante naman ito.




"Hindi pa nga e'. Nakatulog ako ka agad kagabi. Sobrang pagod kasi," tugon ko naman at nagpatuloy sa pagd-drawing. Pagkatapos nito ay gagawin ko pa iyong kay ate Vina.





"Sino bang prof niyo diyan? Sir Aquino?" tanong niya sa'kin. Tumango ako at ngumiti. "Hala ka! Kailan deadline niyan? Kahit on-the-dot ka magpasa, considered late na 'yon sa kanya e. Hindi pa whole day deadline no'n, nagbibigay talaga siya ng oras."





Shet? Wala man lang sinabi ang mga ka-block ko tungkol dito. Hindi ko alam kung kanya-kanyang pasa ba ang ginawa nila o hindi lang talaga ako nasabihan.






"Sasamahan na kita, ipasa 'yan. Sabay na rin tayo lumabas. Susunduin ka ba nung boyfriend mo?" tanong ni Andre sa'kin habang kasabay kong naglalakad papunta sa faculty. "Ah..hindi, busy siya e'."





"The deadline of this output was yesterday, Ms. Enciso," sambit ni Sir Aquino matapos kong i-submit ang plates ko. "I-I'm sorry, Sir."






"I noticed that you're off of your game lately, Ms. Enciso. Magaganda ang mga concepts mo sa outputs mo. Pero kung hindi ka magpapasa on time at patuloy ang attitude na ganito, I will not accept this," sabi ni Sir Aquino na bandang huli ay tinanggap rin ang output ko.





"Yes, sir. This won't happen again. I am really sorry po," tugon ko at nagpaalam nang umalis. Naghihintay pa rin si Andre sa'kin sa labas ng faculty. "Kumusta?" tanong niya.





"Thankfully, tinanggap pa rin naman," tugon ako at hilaw na ngumiti. Dadaan pa ako sa studio para tahiin na yung sample dress ko kay ate Vina. Mayroon pa ako ibang plates na due this week.







"May problema ba? Parang ngayon ka lang nagkaganito. Sabihin mo lang ah, pwede kitang tulungan," ngumiti si Andre sa'kin. "Kakayanin ko," ngumiti ako sa kanya. Nagpaalam na kami sa isa't-isa bago ako tumungo sa studio ng mag-isa.





Sa nakalipas na oras, naging abala ako sa pagtatahi ng mga damit. Tinapos ko na yung project para sa school at iyong sample design na ginawa ko para kay ate Vina. Mula sa studio, dumiretso agad ako sa bahay nina Jaze.





"Love?" tawag ko sa kanya nang makapasok ako sa bahay nila. Binigyan na rin kasi ako ni Tita Jeanette ng susi.




Nilapag ko ang half body manequin na dala-dala ko sa sala nila, at umakyat ako sa kwarto ni Jaze. Nadatnan ko siyang nahawak sa ulo at parang hirap na hirap.





"Mahal.." nilapitan ko agad siya at binigay ang gamot na kailangan niya. Ininom naman niya agad iyon kahit iniinda niya pa rin yung sakit. "Thank you, love."





"Ayaw mo pa rin bang magpa-admit?" umaasa pa rin akong magpapapilit siya sa'kin. At sasang-ayunan ang desisyon ko na magpa-hospital na lang siya.






"Okay, sige. Bukas ng umaga magpapa-ospital na ako," tugon niya. Hay, sa wakas! "Nahihirapan akong makita kang nahihirapan," bulong niya sa'kin habang niyayakap ko siya.





Hindi na ako umalis sa kwarto ni Jaze. Nagpaakyat na lang ako nang makakain naming dalawa para sa hapunan namin. Nagpapahinga lang siya habang ako ay abala pa rin sa pag-aayos ng designs na ipapakita ko kay ate Vina bukas.





Under The StarsWhere stories live. Discover now